^

PSN Opinyon

Debt crisis sa Europa

- Al G. Pedroche -

MAY mga nananawagan sa Pangulong Noynoy na palitan ang kanyang mga economic think-tanks. Ngunit naniniwala ang Palasyo na hindi ito dapat gawin dahil naitatawid ng economic managers ng administrasyon ang ekonomiya. Ito’y sa kabila ng umiiral na debt crisis ngayon sa Europa. Sabi nga “you don’t change horses midstream.”

Totoo na ang alam na “good economy” ng karaniwang mamamayan ay yung maginhawang buhay. Yun bang, gaano karami ang mabibili mo sa hawak mong piso. Pero hindi madaling gawin iyan. Wika nga “no quick-fix solution” sa matinding problemang kinahaharap hindi lamang ng Pilipinas kundi ng bawat bansa sa daigdig.

Ayon kay Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. napapanatili ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino ang katatagan ng pananalapi ng bansa. Naniniwala din siya na maaaring magpatuloy ito hanggang sa susunod na taon.

Nitong nakaraang linggo ay iminungkahi ng Paris-based na Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) sa policy-makers ng mga bansa na paghandaan ang posibleng paglaganap pa sa buong mundo ng nagsimulang debt crisis sa Europa.

Inihayag ng Executive Secretary na nagagawang maiwasan ng Pilipinas pagkalugmok ng ibang bansa.

Katibayan dito aniya ang tumataas na paggugol ng salapi sa imprastruktura na magpapatuloy hanggang sa susunod na taon. Idinagdag ni Ochoa na isa ring patunay ng hindi pagkalubak ng bansa sa krisis sa Europa ang hindi pangungutang nang malaki ng bansa at pati na rin ang masinop na pagnenegosyo ng mga banko at iba pang institusyon na may kinalaman sa pananalapi.

Ayon sa OECD, ang pa­tuloy na pagkabigo ng mga pinuno ng European Union na masugpo ang debt crisis na nagsimula sa Greece at maaari pang lumawak at humantong sa napakalaking pinsala.

Makikita sa mga datos sa ekonomiya na patuloy na umuunlad ang ekonomiya ng bansa nang makapagtala ito ng 5.6% average growth rate (region) sa pagitan ng 2012 at 2016. Hindi nalalayo ang naturang bilang sa ilang bansa sa South East Asia.

Magandang balita ang pagtiyak ng Malacañang hinggil sa magandang kalagayan ng bansa pagdating sa ekonomiya, lalo’t papalapit na ang Pasko.

O, sige na nga, “Merry Christmas!” ang magiging bati natin sa isa’t isa sa pagsapit ng araw na iyon, imbes na ang nakagawian nang “Krisis-mas” sa mga nagdaang panahon.

AYON

BANSA

ECONOMIC COOPERATION AND DEVELOPMENT

EUROPEAN UNION

EXECUTIVE SECRETARY

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO N

MERRY CHRISTMAS

OCHOA

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with