^

PSN Opinyon

Katawa-tawa naman!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MOHAMMED Saeed Al-Sahhaf. Siya yung tagapagsalita ni Saddam Hussein noong 2003, sa kasagsagan ng pag­lusob ng mga koalisyon sa Iraq para hulihin at tanggalin sa kapangyarihan ang diktador. Nakilala, at sumikat si Al-Sahhaf, dahil sa kanyang di-kapani-paniwalang mga pahayag ukol sa lakas ng mga puwersa ng Iraq laban sa koalisyon ng Amerika, UK, France at marami pang bansa! Mahihina raw yung mga puwersa ng koalisyon at tinatalo na raw nila at tinutulak pabalik ng dagat! Mahihina raw ang mga kagamitan ng mga Amerikano at UK, kaya libong sundalo ang sumusuko na raw sa kanila. May mga nagpapakamatay pa raw na mga sundalo sa entrada ng Baghdad! Araw-araw siyang nagbibigay ng press conference sa media, na sila namang tumatangkilik para marinig na lang ang mga nakakatawang sasabihin at pahayag ukol sa kanilang lakas at hina ng koalisyon. Wala raw mga sundalo sa Baghdad, pero kita sa mga kamera na nasa loob na ng Baghdad ang mga tangke at sundalo ng Amerika! Matapos nito, hindi na siya nagpakita muli. Nabansagang “Comical Ali” dahil nga sa mga katawa-tawang pahayag araw-araw.

May nagpaalala kasi sa akin nitong mga nakaraang araw. Si Elena Bautista-Horn na siguro ang katumbas ni “Comical Ali” sa panahong ito. At itong pinaka-huling pahayag ay pagkumpirma niyan. May banta raw sa buhay ni dating president Arroyo, kaya pinipilit na ilagay sa gobyernong ospital at hindi sa kanyang tahanan para i-house arrest na lang. Dapat daw mag-ingat sa pagkain na ibibigay kay Arroyo, pati na mga gamot na paiinumin sa kanya. Naku, ewan ko. Kung ganundin lang ang takot nila, eh di magtalaga sila ng taga-tikim ng pagkain, at taga-inom ng tubig, bago ibigay kay Arroyo! At dapat si Elena Bautista-Horn na iyon. Tikman niya lahat ng pagkain, inumin o iturok sa kanya ang lahat ng gamot, bago ibigay sa kanyang amo! Baka sakaling makatulong na rin sa kanya at sa kanyang diliryo! Natatawa na lang ako!

Desperado na talaga ang kampo Arroyo. Nagsalita na rin kasi ang korte na dapat sa Veterans Memorial Hospital na lang magpagaling si Arroyo, kung may sakit pa, at hindi sa St. Luke’s. Kung ano na lang ang sasabihin para mabigyan ng bigat ang kanilang hiling na sa La Vista na lang i-house arrest ang kanilang amo. Ayaw talagang ilagay sa mahirap na lugar ang kanilang amo. Di tulad ni dating president Joseph Estrada na tinanggap lahat ng ginawa sa kanya.

Huwag sisihin ang media kung bakit hindi popular si Arroyo sa mamamayan. Ginagawa na ng kanyang kampo iyon ng sadya.     

vuukle comment

AMERIKA

COMICAL ALI

ELENA BAUTISTA-HORN

JOSEPH ESTRADA

LA VISTA

LANG

MAHIHINA

RAW

SADDAM HUSSEIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with