Tagausig Panlahat
ANG personal kong interes sa banggaan ng Malacañang at ng Mataas na Hukuman ay dala ng pagiging abogado, propesor ng batas at estudyante rin ng batas. Sa aking column, inilatag ko ang paninindigan sa insidente na sumubok sa ating Konstitusyon. Malinaw na ang aking posisyon ay batay sa kung ano ang inuutos ng batas. Siyempre, sa ibabaw ng lahat ay nariyan ang pinakamatimbang na katotohanan – sa lahat ng pagkakataon, batas ang dapat manaig.
Malacañang vs. Supreme Court. Executive vs. Judicial. Di tulad ng Executive branch na karaniwa’y wala namang kuwalipikasyon upang manilbihan, sa Judiciary ay pawang abogado lamang ang maaring maging judge o mahistrado. Kaya hindi masisisi kung madalas ay panig sa Judiciary ang mga abogado, lalo na ang pinakamala-king asosasyon ng mga abogado, ang Integrated Bar of the Philippines (IBP).
May isang nasa gitna ng isyu na ito, ang tanging opisyal ng pamahalaan kung saan nagtatagpo ang katangian ng Executive Branch at ng Judicial Branch. Ito ay ang Solicitor General o Tagausig Panlahat. Kahit bahagi ng Gabinete, ang larangan na pinagtatrabahuan ay ang Hukuman. Dahil ito’y inappoint ng Presidente, aasahan itong sumunod sa kagustuhan ng kanyang Boss. Subalit dahil ito rin ay officer of the court, kailangan din niyang alalayan na hindi masalaula ang respeto sa batas. Walang paglalagyan ang mga paratang na bayad utang lang kay GMA ang mga desisyon ng mahistrado.
Ang ating Solicitor General, si Atty. Jose Anselmo Cadiz, ay nakilala bilang aktibistang abogado na noong nasa pribadong buhay at pangulo ng IBP ay laging dumedepensa sa Saligang Batas laban sa abuso ng pamahalaan. Ngayon, andyan siya sa kabilang panig, kiming-kimi na hinahanapan ng butas ang batas upang mapaliwanag ang mga kuwestiyunableng hakbang ng kanyang mga amo.
Ang pangunahing mando ng opisina ng Solicitor Ge-neral ay hindi ang ipanalo ang kanyang kliyente na gobyerno kung hindi ang isiguro na ang katarungan ay laging manaig. Habang maaga ay nawa’y intindihin ni Sol. Gen. ang kanyang maselang katungkulan nang magabayan sa kanyang pagtupad sa tungkulin.
SolGen Jose Anselmo Cadiz
Grade: Bilang Executive – 79
Bilang Officer of the Court — 65
- Latest
- Trending