^

PSN Opinyon

Talamak ang droga sa Maynila

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

LUSAW na nga ba ang laway ni Manila mayor Alfredo Lim? Ito ang katanungan sa Maynila, dahil mistulang dalawang singko na lamang ang bentahan ng droga rito. Nang unang manungkulan si Lim sa Maynila, halos lahat ng mga drug pusher ay nagsilayasan nang pinturahan ng pula ang mga pintuan ng mga suspek. Ilan sa mga ito ay nakitang nakabulagta sa kalye na may karatula “Huwag ninyo akong tularan…pusher ako”

Ngunit ngayon sa kanyang ikalawang termino nadismaya ang Manilenyos dahil nagbalikan na naman ang salot. Kung sabagay hindi ito maipagkaila sa ating lahat dahil sa kabila ng walang humpay na kampanya ng Manila Police District laban sa street crimes ay patuloy pa ring dumarami. Kasi nga ang pangunahing dahilan ay ang pagkalulong sa droga ng mga kababayan natin partikular ang nasa depressed areas.

Katulad na lamang sa reklamong ipinarating sa akin mula sa Balut, Tondo. Nangangamba sila sa kanilang kaligtasan tuwing sasapit ang dilim dahil naglilipana ang mga sanggano na bangag sa droga. Ang kanilang inginunguso ay ang mag-asawang Sonny at Marian Yrigan. Walang oras umano ito kung mag-deliver ng droga sa Barangay 129, Zone 11 ng District 1, Balut, Tondo gamit ang isang kotseng silver na may plakang XNM-746. Ang masakit mukhang pipi’t bulag si Bgy chairwoman Vicky Reyes sa aktibidades ng mag-asawang Yrigan. Halos isang dura lamang ang layo ng pinagbabagsakan sa kanyang Barangay Hall.

Chairwoman Reyes, imulat mo ang iyong mga mata. Sawatain mo sina Alex dela Cruz alias Chat-Chat at Aldrin Montehermoso, alias Badjao. Ang mga ito umano ang ga-lamay ni Yrigan sa pagbebenta ng shabu. Naniniwala naman ako na hindi ito kayang sugpuin ni Chairwoman Reyes dahil ang mga tulak ay armado ng baril. Dapat palang kumilos si Supt. Rolando Tumalad ng Balut, Tondo Police Station 1 dahil nasasakupan niya itong Daungan sa Purok 7. Ito ang pinaka-access route ng mga adik dahil sanga-sanga ang daan palabas ng naturang lugar. At dahil sa droga ang ini-rereklamo dapat ding kumilos si MPD-DAID chief Chief Insp. Robert Domingo. Alam kong kumikilos ang mga nabanggit na opisyal subalit ang kailangan ay ang “basbas” ni Lim para mapalayas ang mga salot. Ikumpas sana ni Lim ang kinakalawang niyang kamay na bakal. Abangan!

ALDRIN MONTEHERMOSO

ALFREDO LIM

BARANGAY HALL

CHAIRWOMAN REYES

CHIEF INSP

DAHIL

MANILA POLICE DISTRICT

MARIAN YRIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with