^

PSN Opinyon

Christmas vacation ng mga OFW

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

MARAMI na namang OFW ang inaasahang darating sa mga susunod na araw upang magbakasyon at maka­piling ang kanilang mga mahal sa buhay sa Kapaskuhan. Base sa impormasyon, maraming OFW ay umuuwi tuwing unang linggo ng Disyembre.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), noong 2010 ay anim na milyon ang kabuuang bilang ng arrivals sa bansa. Pinakamarami (200,000) ang dumating noong Disyembre 1-7 na binubuo ng mga OFW, balikbayan at mga turista. Taun-taon umano ay sa ganoong petsa bumubuhos ang OFWs at iba pang balikbayan para sa Christmas holiday.

Ayon sa aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, napakalaki ng tulong ng mga OFW sa ekonomiya ng ating bansa. Bukod sa regular nilang remittance sa kanilang pamilya ay sila pa rin ang pinakamaraming nagbabakasyon tuwing Kapaskuhan.

Marapat lang na suklian sila ng pamahalaan ng sapat na pag-aasikaso hindi lang sa kanilang Christmas vacation kundi sa kabuuan ng kanilang mga pangangailangan laluna kapag nagkakaproblema sila sa kanilang trabaho.

Dagdag ni Jinggoy, patuloy niyang ipupursige ang kanyang mga panukala para sa OFWs tulad ng: Senate Bill 648 (pagtatatag ng OFW Bank); SB 428 (Migrant Workers Hospital); SB 568 (special 15-day leave of absence with full pay to all legitimate spouses of OFWs); at pagpapalakas ng Migrant Workers and Overseas Filipino Act.

* * *

Belated happy b-day kay Atty. Facundo Bautista (ama ni Atty. JV Bautista) na nagdiwang ng ika-80 kaarawan noong Linggo.

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

DISYEMBRE

FACUNDO BAUTISTA

KAPASKUHAN

MIGRANT WORKERS AND OVERSEAS FILIPINO ACT

MIGRANT WORKERS HOSPITAL

SENATE BILL

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with