^

PSN Opinyon

Trial ng Ampatuan paano pabibilisin?

SAPOL - Jarius Bondoc -

MAGANDA ang suhestiyon ni Atty. Harry Roque para pabilisin ang paglilitis sa kasong Maguindanao massacre. Huwag na raw litisin ang 196 na sakdal. Ituon na lang daw ang pansin sa 35 akusadong nagplano, nag-utos, at aktwal na namaril sa 58 mamamahayag, pulitiko, abogado, at motorista sa bayan ng Ampatuan nu’ng Nob. 23, 2009. Ibig sabihin, ‘yung mga kasapi lang ng politikong angkang Ampatuan at direktang alipores nila ang pagtuunan ng pansin.

Kasi kung hindi, aabutin nang 55,000 taon ang paglilitis. May buhay pa kaya nu’n sa mga akusado at kaanak ng mga biktima? Kasi, sa kuwenta ni Roque, kailangang dumaan ang bawat 196 akusado sa 58 kaso. Ibig sabihin, 11,368 kaso lahat-lahat. At dahil, ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa tungkol sa sistemang hudikatura ng Pilipinas, inaabot nang limang taon litisin ang bawat kaso, mahigit 55,000 taon aabutin ang buong proseso, kasama na ang mga apela.

Mainam din at inihabla ng 15 pamilya ng mga biktima ng kasong sibil si dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo dahil sa massacre. Si Arroyo kasi ang nagpalaki sa poder ng angkang Ampatuan. Inarmasan niya ito, kaya nakapagtayo ng private army na meron pang armored personnel carrier at sniper rifles na dapat ay pang-militar lang. Ginawa niya ito bilang kabayaran sa pandaraya para sa kanya ng mga Ampatuan nu’ng mga eleksiyong 2004 at 2007. Kaya hinihingi ng 15 pamilya ang tig-P1 milyong indemnity. Mga breadwinners kasi ang minasaker, at hirap na hirap ang mga pamilya ngayong nawala sila.

Dapat nga ipagharap din ng kasong sibil ang mga Ampatuan. Sa civil case, hindi kailangan ng proof beyond reasonable doubt, kundi preponderance of evidence lang, para pagbayarin ang sakdal.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

AMPATUAN

DAPAT

GINAWA

HARRY ROQUE

HUWAG

IBIG

KASI

PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SI ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with