^

PSN Opinyon

Nagsisisi na sana si Madam

Panaginip Lang -

ULTIMO ang palusot ng mga kakampi ni Madam Senyora Donya Gloria na matindi ang sakit niya at baka malagay sa bingit ng alanganin ang kanyang buhay ay nabubuking na. 

Ang kanyang mga doctor na pinatawag ng Korte ay nakahandang magsabi ng totoo, ayon sa mga kaibigan nila at kakilala.   Hindi raw papayag ang mga doctor na ito na masira ang kanilang pangalan at lalong hindi sila papayag sa mga pressure na ginagawa ng ilan sa mga abogado ni Madam. 

Kahit itong latest na pakulo ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo na kesyo may bagong paraan ng panggagamot sa Europa para kay Madam Gloria ay hindi na uubra. 

Matindi pa nito, ang kanyang mga palusot ay lalo lamang nagbibigay-daan sa panibagong galit ng sambayanan na ang nais ngayon ay ipakulong sa regular na kulungan si Madam Gloria at hindi hospital o house arrest. 

Tanda nating lahat, hindi kagaya ni dating President Joseph “Erap” Estrada na papalag ang masang patuloy na naniniwala sa kanya, sa kaso ni Madam Gloria wala ni isa mang kakampi ang handang mag-rally para sa kanya. 

Kahit mga nakinabang sa kanyang mga pulitiko ay nagbaliktaran na o di kaya’y nagtatago at nagpapalamig muna. Takot sila na matamaan ng galit ng sambayanan. 

Alam nilang lahat, buong sambayanan ang kalaban ni Madam Gloria at dahil diyan ay hindi malayong isunod na sila. Pangitang-pangita ito sa mga Ampatuan at asahan natin ang susunod dito ay mga kakampi niyang nakinabang nang husto. 

Sa mga pangyayaring ito, naiisip natin, nagsisisi kaya siya o baka naman hanggang sa oras na ito ay pa tuloy pa rin ang pagiging arogante niya kasama ng pamilya niya na siyang dahilan kung bakit nasa ganoon siyang kalagayan ngayon. 

* * *

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e-mail sa [email protected]

vuukle comment

ALAM

AMPATUAN

ERAP

KAHIT

MADAM GLORIA

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

PRESIDENT JOSEPH

SIR SENYOR DON JOSE MIGUEL ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with