NANG nangangampanya si President Noynoy Aquino noong 2010, ang kanyang pangako ay ang paglupig sa mga nangungurakot sa bayan. Kung walang kurakot, walang naghihikahos. Ang kampanya ni Aquino laban sa mga kurakot ang nagpasigla sa taumbayan para siya iluklok sa puwesto. Marami ang naniwala sa kanya kaya landslide ang panalo. Matagal nang pinapangarap ng mamamayan na malipol ang mga nagnanakaw sa kaban ng bayan. Ilang presidente na ang nanungkulan subalit walang nagtagumpay na lupigin ang mga kurakot. Lalo pang naghikahos ang mamamayan dahil sa pamamayagpag ng mga kurakot.
Muling inulit ni Aquino ang pangakong pagbabayarin ang sinumang magnakaw sa kaban ng taumbayan. Sa kanyang pagsasalita sa isang dinaluhang pagtitipon noong isang araw, sinabi niyang parurusahan ang mga magsasamantala o magnanakaw sa salapi ng taumbayan. Hindi raw niya hahayaang mamamayagpag ang mga ito. Titriplehin niya ang pagsisikap para mahabol ang mga nagnakaw at mga nagsamantala. Hindi siya papayag na hindi masampahan ng kaso ang mga kurakot. Pero ang lahat umano ay dadaan sa legal na proseso. May sapat na katibayan at magiging parehas laban sa mga inaakusahan.
Sa pangakong paglupig sa mga nagsamantala sa bayan, nakatitiyak nang kasama rito si dating President Gloria Macapagal-Arroyo. May nakasampang graft laban kay Mrs. Arroyo sa Ombudsman. Noong nakaraang linggo, sinampahan siya ng kaso sa electoral fraud. Pero hindi raw ang kasong ito ang magbubulid kay Mrs. Arroyo sa kabila ng rehas kundi ang kaso nito ukol sa katiwalian.
Desidido si Aquino na lahat ng mga kurakot ay malitis at maparusahan. Ito ang nakikita niyang paraan para matunton ng mga Pilipino ang tuwid na daan. Kung mapagtatagumpayan ang paglupig sa mga kurakot, marami nang dayuhan ang mag-iinvest sa bansa at magkakaroon na ng mga trabaho. Dapat pang pagsikapan ang paglaban sa mga kawatan.
Kung walang kurakot, walang naghihikahos. Ang kampanya ni Aquino laban sa mga kurakot ang nagpasigla sa taumbayan para siya iluklok sa puwesto. Marami ang naniwala sa kanya kaya landslide ang panalo. Matagal nang pinapangarap ng mamamayan na malipol ang mga nagnanakaw sa kaban ng bayan. Ilang presidente na ang nanungkulan subalit walang nagtagumpay na lupigin ang mga kurakot. Lalo pang naghikahos ang mamamayan dahil sa pamamayagpag ng mga kurakot.