'Moro-moro'

MATAPOS ang nasunog na operasyon ng BITAG at National Bureau of Investigation- Cordillera Administration Region (NBI-CAR) sa mga gambling den, isang kakatwang operasyon muna ang nasamahan namin sa Baguio City.

Ito ay isang drug-bust operation na inihanda ng Phi-lippine Drug Enforcement Agency-CAR (PDEA-CAR). Sa umpisa, maganda ang naging pagpaplano subalit pagdating sa huli, iba ang nangyari.

Ang inihanda raw sa BITAG, isang malaking operasyon na ang target ay ang red light district ng Baguio. Tinawag na red light district ang target na bahaging ito ng Baguio dahil hilera ito ng mga bar, club at KTV.

Isang babae raw ang aming target, diumano’y distributor ng drogang shabu sa nasabing kalye.

Maaksiyon ang naging pagpaplano. Mala-SONA raw dapat ang estilo ng operasyon kung saan lahat ng madadaanang tao, padadapain at kakapkapan upang makita kung may itinatagong iligal na kontrabando.

Tiyak na mapapalaban ang aming grupo kaya naman, matinding paghahanda ng mga armas at camera ang ginawa rin ng BITAG.

Laking gulat namin nang sa staging area, sa satellite office ng PDEA-CAR sa Harrison St., biglang nag-iba ang ihip ng hangin, naiba ang plano at iba na rin ang aming subject.

Iba na raw ang tatargetin dahil ang may problema sa kanilang asset. Kaya’t ang malawakang operasyon sa red light district, napalitan ng magkasintahang pusher ang aming bibitagin.

Sa isang motel sa Marcos Hi-way umano magkikita ang PDEA asset at target na middleman sa operasyong ito.

Habang kinokompronta ng BITAG ang suspek, unti-unting naging malinaw ang eksena sa moro-morong operasyon na ito.

Ang mga nahuling suspek, nagsilbing handog lamang ng PDEA-CAR upang magpakitang gilas sa BITAG.

Show comments