^

PSN Opinyon

'Iwasan ang maluhong Christmas party'

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

Ito ang namamaos na tinig mula sa bakuran ng Department of Education “Iwasan ang maluhong Christmas party’’. Paano nga naman sa kabila ng magkasunod na roll back ng gasoline tumaas naman ang krudo kung kayat patuloy parin ang pagtaas ng mga bilihin sa mga pamilihan. Kayat tuloy iilan lamang sa mga estudyante ang can afford na makapagpakitang gilas sa kanilang kamag-aral. Dagdag pa riyan ang tensyong sa pagka-hospital arrest ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa St. Lukes Medical Center sa Global City matapos ang ora-oradang pagfile ng kaso ng Department of Justice. At dahil sa milyon-milyon sa ating kababayan ngayon ang walang hanap buhay at nagugutom minabuti na lamang ni DepEd secretary Armin Luistro na iraos ng simple ang mga Christmass party ng mga estudyante sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong kapuluan. Palakpak naman diyan mga suki! Ngunit maraming kababayan natin ang umasim ang sikmura sa panawagan ni Sec. Luistro dahil maraming paaralan sa ngayon ang hindi nakuntento sa kautusan at tahasang lumabag. Katulad na lamang sa sumbong na nakarating sakin, na ito palang Burgos Elementary School diyan sa Sta Mesa, Manila ay puwersahang nagbenta ng P300 kada ticket ng Star City sa bawat estudyante. Susmayusep! Mahigit sa 4,600 na estudyante ang Burgos Ele­mentary School at kung kasama pa ang mga magulang tiyak na aabot o hihigit pa sa 1,000 ticket ang maipamudmod. Wow, tiyak na limpak-limpak na datung ang maibubulsa ni Principal Adelaida Reyes at mga Teacher’s kung totoo ang sumbong na ito. Di ba mga suki! Ang masakit, umiwas sa responsibilidad o pananagutan ang principal at mga guro dahil ang sinagot nila ay ang pagbenta lamang ng ticket at hindi ang pag-organisa ng mga magulang at estudyante patungo sa naturang carnaval. Paano nga kasi, kanya-kanyang lakad ang mga magulang at estudyante patungo sa Star City diyan sa CCP Complex, Pasay City. At ang nakakagulat tumatagingting na P40.00 ang commission ng mga teacher sa bawat ticket na naibenta. Ewan ko lang kung magkano naman ang mapupunta kay Madam Reyes dahil ang inire-remit ng mga ahente este mga guro pala ay paldong P260.00 sa kada ticket. Marahil sila lang diyan sa Burgos Elementary Schoolang makakasagot niyan oras na pa-imbestigahan ito ni Sec. Luistro sa mga darating na araw. At hindi lamang pala riyan nagtatapos ang masalimuot at paghihinagpis ng mga magulang na nagsumbong sakin, dahil inoblega rin pala ni Madam Reyes ang lahat ng Grade Chairman upang pagbayarin ng halagang P60.00 ang bawat estudyante para sa masalimuot na Christmass party. Mukhang masarap magluto itong si Madam Reyes kung kayat inako na niya ang pamusong menu na ihahain sa kanyang mga estudyante. Na ayon sa sumbong ipaghahain daw ni Madam Principal Reyes ng Rice, Burger Paties at Longonisa ang bawat estudyante upang mairaos ng masaya at may ngiti ang Christmass party sa kanyang bakuran. Aba, Secretary Luistro, paki imbestigahan nga po ninyo ito sa madaling panahon at baka gayahin pa ito ng ilan mong mga alipores… Calling Manila mayor Alfredo Lim sir, paki imbestigahan nga po ninyo itong Kabarkada Computer Shop diyan sa may Altura St., kung bakit nakapag-ooperate ito sa harap mismo ng Burgos Elementary School gayong mahigpit itong pinagbabawal. At ang mga parukyano nito ay pawang mga estudyante. Abangan!

ALFREDO LIM

ALTURA ST.

ARMIN LUISTRO

BURGOS ELEMENTARY SCHOOL

CHRISTMASS

ESTUDYANTE

MADAM REYES

STAR CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with