^

PSN Opinyon

PHL-SOKOR relations

- Al G. Pedroche -

MAY isinusulong na bill sa Mababang Kapulungan upang ipangalan kay yumaong ex-President Cory Aquino ang EDSA. Nakapaloob ito sa House Bill 5422.

Noong 1986, nang mala-mega-super star pa si yumaong dating Presidente Corazon Aquino, labis ang pag-idolize ng maraming Pilipino sa kanya porke simbolo siya ng bagong bawing demokrasya. May mga tumatawag pa noon sa Pilipinas na “Cory Republic”. Pabiro lang naman at may pabiro ding nagsasabing huwag naman. Kasi daw ay tatawaging ”Coryano” at “Coryana” ang mga Pinoy.

Speaking of Korea, dumalaw sa bansa kamakailan ang Presidente ng South Korea na si Lee Myung-Bak. Ayon kay Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. lalo pang titibay ang 60 taong ugnayan ng Pilipinas at South Korea sa pagkakalagda ng may limang kasunduan tungkol                sa pagsasaka, elektrisidad, at tulong-pangkaunlaran.

Ang unang dalawang kasunduan ay magpapabilis at gagawing simple ang proseso ng pagkuha ng utang at grants ng Pilipinas mula sa South Korea. Ito ay nilagdaan nina Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Minister for Foreign Affairs and Trade Kim Sung-hwan.

Nilinaw ng Malacañang na ang Framework Agreement for Grant Aid sa pagitan ng Korea at Pilipinas ay magpapabilis sa proseso ng pautang sa mga proyekto habang ang Framework Agreement kaugnay ng mga pautang mula sa Economic Development Cooperation Fund ay magi-ging daan upang ang ating gobyerno ay makakuha ng soft loans na hanggang $500 milyon mula sa South Korea.

Ang ikatlong kasunduan ay ang ‘Memorandum of Understanding ng Depart-ment of Energy at Ministry of Knowledge Economy’. Kaugnay ito ng pagtatayo ng mo-dernong power supply system para sa Subic Bay Economic Zone na ang gagamiting tek­nolohi­ya ay environment friend­ ly. Makatutugon umano ito sa medium-term at long-term na pangangailangan sa koryente ng Luzon grid,” ani Ochoa.

Ang pang-apat at panli­mang kasunduan ay sa pa­­­­gitan ng Department of Agri­culture (DA), Agriculture Mi­nister Suh Kyu-yong, at Korea Export-Import Bank­ President Kim Yong-hwan.

Ang paglagda sa kasunduan ay sinaksihan mismo nina Pa­ngulong Noynoy Aqui­no at President Lee.

AGRICULTURE MI

CORY REPUBLIC

DEPARTMENT OF AGRI

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

ECONOMIC DEVELOPMENT COOPERATION FUND

FRAMEWORK AGREEMENT

PILIPINAS

SHY

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with