^

PSN Opinyon

Prophet Sixto Brillantes

- Al G. Pedroche -

DILANG propeta itong si COMELEC Chair Sixto Brillantes. Magugunita na ilang buwan na ang nakalilipas ay iniha-yag niya na si Pampanga Rep. Gloria Arroyo at asawang Mike Arroyo ay magpapasko sa kalaboso.

Ang tanong naman ng iba: Dilang propeta nga ba o sad-yang alam na ang resulta ng niluluto laban sa mga Arroyo? Well, whatever. Sa tingin ko’y sa kabila nito, nananatiling katig ang maraming mamamayan sa administrasyon.

Medyo sumablay lang ng kaunti ang prediksyon ni Brillantes dahil hindi kasama ang dating unang ginoo sa mga inisyuhan ng arrest warrant ng Pasay RTC.

Matatandaan natin na umalma noon ang kampo ng mga Arroyo at pinagbibitiw sa tungkulin si Brillantes dahil para daw niluluto na ang husga sa kasong electoral sabotage laban kay GMA.

Bagamat may mga tumutuligsa sa administrasyong Aquino dahil daw minamanipula ang pagpapabilis sa asunto laban sa mga Arroyo, nananatili naman ang simpatiya ng mas maraming taumbayan sa administrasyon. Sa mga komentaryo sa twitter, facebook at iba pang social networking channels, sa halip na maawa ay lalo pang nilalait ang dating Presidente. Nakakaawa rin naman.

Personally, naaawa ako sa dating Pangulo. Pero malupit humatol ang taumbayan. Mas malupit kaysa Hukuman.

Mukhang kumbinsido ang mas maraming Pilipino na may sala nga ang dating Pangulo. Sa kabila nito, bilang mga Kristiyano’y ipanalangin natin ang mabilis na pagga-ling ni Mrs. Arroyo.

Nagmamakaawa nga ang kampo ng dating Pangu­lo sa media na huwag nang ilathala ang mugshots niya. Pero hindi naman media kundi hukuman din ang magdedesisyon kung ipalalabas ang larawan.

Maaalala natin na nung si dating Presidente Estrada at anak na si Jinggoy ang kinunan ng mugshots, ito’y lumabas sa mga diyaryo at wala naman silang angal.

vuukle comment

BRILLANTES

CHAIR SIXTO BRILLANTES

GLORIA ARROYO

MIKE ARROYO

MRS. ARROYO

PAMPANGA REP

PANGULO

PERO

PRESIDENTE ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with