'Lagi akong may sore throat'

“Dr. Elicaño, problema ko ang laging pagkakaroon ng sore throat. Nagmumumog po ako ng maligamgam na tubig na may asin pero wa epek. Naiirita po ako sapagkat madalas ang pagkati ng aking lalamunan. Hindi ako mapakali. Ano po kaya ang dahilan nito? Paki-explain po.. Marami pong Salamat at God Bless.”  —LEONORA BAUTISTA, Pedro Gil St. Paco, Manila

StrePtococcus bacterium

ang dahilan kaya may pangangati ng lalamunan o sore throat

.

 Ang pagkain nang matatamis ay isang dahilan kung bakit nagkaka-sore throat. Ang kakulangan o mababa sa micronutienrts ay isa rin sa dahilan. Nawawalan kasi ng natural defense ang katawan sa laban sa infection. Ang paninigarilyo at pag-inom ng sobrang alak ay nagiging dahilan din para magka-sore throat. 

Mas madalas na magkaroon ng sore throat kapag pabagu-bago ang panahon kaya nararapat na mayroong panlaban sa infection. Mag-take ng Vitamins D at E para malabanan ang atake ng Streptococcus bacterium

Ang Vitamin D ay matatagpuan sa mga oily fish. Mag-fish diet para malabanan ang infection at magkaroon ng healthy immune system. Ang Vitamin E ay matatagpuan sa abokado, olive oil, nuts at seeds. 

Ang kakulangan sa Vitamin C ay magiging dahilan din para madaling makapitan ng infection. Mayaman sa Vitamin C ang strawberries, oranges at red pepper. Makatutulong din naman para mahadlangan ang pagkakaroon ng infection kung kakain ng mga yellow o orange fruit at vegetables gaya ng apricots, carrots, spinach sapagkat mayroong beta carotene. Mahusay ang mga ito sa kalusugan at pinangangalagaan ang lining ng lalamunan upang hindi magka-sore throat.

Show comments