^

PSN Opinyon

Aanhin ang pera?

Panaginip Lang -

KAHIT hindi pa nag-uumpisa ang paglilitis kay Madam Senyora Donya Gloria ay tahasan kong sasabihing napakaganda ng ginawa ng administrasyon ni President Noynoy Aquino na finally ay sinampahan ng kaso ang dating nakatira sa Malacañang. 

Ang pagsampa ng kasong electoral sabotage noong 2007 ay nagbigay-daan sa pag-aresto kay Madam Gloria. Ang kasong ito ay non-bailable offense kaya malabo nang makaalis ng bansa si Madam Gloria. Ito rin ang sinasabi ko noon pa na dapat sampahan ng kaso at mabuti naman at ginawa ng Commission on Election (Comelec).

Mapipilitang manatili sa ospital si Madam Gloria. Kung totoo mang maysakit siya, tiyak ko, pipilitin niyang magkasakit.

Anyway, ang kagandahan nito ay maipapakita natin sa mga nakaraan at kasalukuyan opisyal na kailangang pagbayaran ang mga kawalanghiyaang ginawa sa bansa. Kung dati-rati ay nakakalusot ang mga nangulimbat sa gobyerno, ngayon ay pinakita na kailangang pagbayaran ito. 

Sana lang, apurahin ng korte ang kaso upang makita ng sambayanan ang pagpapatupad ng batas. Ang ginawang ito ay magsisilbing panakot sa ibang corrupt officials. 

Tiyak ko, marami sa mga dating nakaupo sa gobyerno na nagmilagro, mga nangangarap maupo sa gobyerno dahil nais magpataba ng bulsa ay matatakot na. 

Matindi nito, magsisilbing paalala ito sa lahat na kahit marami kang pera, wala ring magagawa. Aanhin ni Madam Gloria ang pera ngayon kung hindi mapapakinabangan? 

* * *

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e-mail sa [email protected]

AANHIN

COMELEC

MADAM GLORIA

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MALACA

MAPIPILITANG

MATINDI

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with