^

PSN Opinyon

Atty. Beda Epres

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HULI man daw at magaling ay huli na rin kaya nga bina­bati ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Atty. Beda Epres, director for Finance ng Office of the Ombudsman, dahil birthday nito yesterday.

Kuyang Beda, kahit hindi ka naghanda ay ok na rin iyon sa mga brethren dahil alam naman namin na magtatago ka sa kaarawan mo at tiyak si Ateng ang kasama mo sa isang masarap na kainan.

Basta ang masasabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa susunod ay maghahanda ka na. Hehehe!

Anyway, nasa puso ka pa rin ng mga brethren ng Laon-Laan 185.

Sabi nga, Happy Birthday to you!

Mga critics ni Pacman, alis dyan

CONGRATS kay Sarangani Rep. Manny 'Pacman' Pacquiao, dahil hindi nito binigo ang madlang people sa Philippines my Philippines ng talunin niya sa puntos si Juan Marquez, ng Mexico sa kanilang bakbakan the other day sa Nevada, US of A.

Masiado kasi naging malaki ang expectation ng madlang people sa buong mundo kay Pacman kaya sa buong akala nila ay tinalo ito ni Marquez sa boxing.

Ginawa ni Pacquiao lahat ng kanyang magagawa para bakbakan si Marquez iyon nga lamang hindi niya napab agsak ito sa suntok gaya ng inaasahan ng madlang people.

Kaya marami rin ang nadismaya hindi lang ang madlang people around the world kundi maging sa Philippines my Philippines.

Kaya ang masasabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, at ang may sampalataya kay Pacman na lubayan na siya ng mga kritiko at kailangan tanggapin nila ang  hatol ng tatlong judges.

Siguro isantabi ng mga kritiko ang kanilang utak talangka dapat nilang ipagbunyi na si Pacman ay isang pinoy na ginawa ang lahat para talunin si Marquez.

Sabi nga, halos magpakamatay ito sa laban.

Samantalang isang mambabatas ang naniniwala na dapat muli niyang labanan si Juan Manuel Marquez.

 Bida nga ni Ang Kasangga Rep. Teodorico Haresco. sa mga kuwago ng ORA MISMO, “The judges have declared him a winner. Crab mentality has reared its ugly head. Everybody who was not in the ring had a lot to say. Some even suggest a rematch. Parang ari nila ang katawan na nasusuntok, “In my book he is a winner. All of us watching saw that it was close and a hard match to judge with two excellent fighters going toe to toe. When the dust settled and the score cards made public, it showed that our champion had won. Let's respect that decision.”

Huwag natin sisihin si Pacman sa kanyang pagkapanalo wala itong kasalanan  dahil hindi siya ang humatol sa kanyang sarili para manalo.

Kung hindi lang nagkaroon ng problema si Pacman sa kanyang binti baka  hinalikan ni Marquez ang canvass sa ring.

Sabi nga, dehins siya si 'superman' na kada laban niya ay bumabagsak o impressive ang kanyang pagkapanalo ang importante siya pa rin ang tinanghal na kampeon.na pinoy.

Kung natalo si Pacman sa laban niya kay Marquez ano kaya ang sasabihin ng mga kritiko dito.

Ika nga, sala sa init , sala sa lamig!

 Si Pacman, pa rin ang nagbigay ng malaking karangalan sa Philippines my Philippines kung ang mga kritiko nito ay binabatikos siya marami pa rin madlang people ang humahanga dito hindi lang sa boxing kundi sa kanyang pagkatao.

Ika nga, Pacman is my Hero!

Sabi nga, the best among the best.

ANG KASANGGA REP

BEDA EPRES

HAPPY BIRTHDAY

IKA

MARQUEZ

PACMAN

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with