^

PSN Opinyon

First International Day to End Impunity

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

NAPAGKUWENTUHAN namin ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang i-oobserbang First International Day to End Impunity (IDEI) sa Nobyembre 23. Ito ay isinusulong ng mga media organization at free expression advocate sa buong mundo sa pangunguna ng International Freedom of Expression Exchange (IFEX). Ayon sa IFEX, sa pamamagitan nito ay nais nilang patampukin ang usapin hinggil sa karapatan sa freedom of the press at freedom of expression. “Journalists, media workers, writers and others who speak truth to power continue to be murdered with impunity…” sabi ng IFEX.

Ang Pilipinas umano ay itinuturing na isa sa mga bansang mapanganib para sa mga journalist. Mula 1986 ay umaabot na sa 121 journalist ang pinatay habang gumaganap ng kanilang tungkulin. Itinaon ang nasabing aktibidad sa petsa ng “Maguindanao massacre,” kung saan limampu’t walong katao, kabilang ang 32 mamamahayag, ang pinatay noong Nobyembre 23, 2009. Iginiit ng IFEX na kailangang gumawa ng mga positibong hakbang ang pamahalaan sa buong mundo hinggil sa pagrespeto sa “freedom of the press” at sa “freedom of expression.”

Ang pagsusulong ng karapatan sa pamamahayag at freedom of expression ay kabilang sa mga pangunahing adbokasiya ni Jinggoy. Patuloy niyang ipinupursige ang pagpapatibay sa kanyang Senate Bill Number 515 (panukalang Magna Carta for Journalists) at SB 455 (classifying killing of media members in the exercise of their duty as a crime of murder).

* * *

Happy birthday: Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri (Nobyembre 18), Pagbati kay Manny Pacquiao sa kanyang pagwawagi kay Juan Manuel Marquez.

ANG PILIPINAS

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

END IMPUNITY

FIRST INTERNATIONAL DAY

INTERNATIONAL FREEDOM OF EXPRESSION EXCHANGE

JUAN MANUEL MARQUEZ

MAGNA CARTA

NOBYEMBRE

SENATE BILL NUMBER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with