'Kalakalan ng droga sa GMA Cavite, hulog sa BITAG ng PDEA-IV-A'
DOBLE-INGAT ang naging hakbang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region IV-A nang isagawa ang isang drug bust operation sa G.M.A Cavite nitong nakaraang linggo.
Ang search warrant na kanilang ginamit upang lusubin ang apat na bahay sa GMA Cavite, mula pa sa korte ng Maynila.
Kadalasan, kinukuha ng mga otoridad ang search warrant hindi sa lugar kung saan gaganapin ang kani-lang operasyon. Ito’y upang maiwasang masunog ang ikinakasang strike sa kanilang mga target area.
Kung minsan din, nangyayari ito kapag hindi inayu- nan o hindi inaprubahan ng korteng nakakasakop sa lugar na target ang inaaplayang search warrant.
Kaya’t sa operasyong ito, dahil kilalang angkan na hinihinalang nasa likod ng bentahan at gamitan ng iligal na droga ng shabu ang target ng PDEA Region IV-A, inimport pa sa Lungsod ng Maynila ang search warrant.
Alas onse ng gabi nang makatanggap ng tawag ang BITAG mula sa PDEA-IV-A sa ikakasang operasyong ito.
Alas-4 ng madaling araw pa lamang, nasa headquarters na sa Camp Vicente Lim ang BITAG kasama ang puwersa ng PDEA Special Enforcement Services (SES) mula pa sa main headquarters ng PDEA sa Quezon City.
Tinawag nila itong Oplan Tumambak dahil sa apelido ng kilalang angkang kanilang target na makailang beses na minamanmanan, sinundan at naging katransaksiyon ng mga ahente ng PDEA.
Sa isinagawang operasyon, bago pumutok ang araw, sabay-sabay na lumusob ang mga ahente ng PDEA.
Positibo ang naging resulta, bukod sa mga bulto-bultong drogang nakuha ay marami-raming patalim din ang nakumpiska ng mga ahente ng PDEA na sinasabing gagamiting panlaban ng mga suspek sa sinumang magtatangkang pumasok sa kanilang teritoryo.
Ang kabuuan ng operasyong ito, abangan nga-yong Biyernes sa BITAG sa TV5 sa bago nitong oras, alas-10:15 ng gabi, bago mag-Aksiyon Journalismo.
- Latest
- Trending