NAKABABAHALA ang dumadaming kasong kinasasangkutan ng mga menor de edad sa ating bansa, sa panahon ngayon.
Dahil sa Republic Act 9344, hindi napaparusahan ang mga batang gumawa ng krimen sa lipunan.
Sa kasalukuyang batas, 14 taong gulang pababa, matik, walang pananagutan sa batas. Ang mga nasa edad 15-18, susuriin pa kung may tinatawag na discernment o kung alam na ba ng suspek na tama o mali ang kanyang ginawa.
Kaya naman, maraming sindikato ang gumagamit sa mga kabataan para isagawa ang kanilang krimen at paglabag sa batas.
Lumalakas din ang loob ng mga batang kriminal na isagawa ang kanilang mga mali at bawal na gawain dahil wala na itong takot na mapaparusahan ng batas.
Kaya naman isa ang BITAG sa sumusuporta at sumasang-ayon sa panukalang batas ni Navotas Representative Toby Tiangco na House Bill 5423 o pagpapalakas sa juvenile justice system ng ating bansa.
Sa HB 5423, ipinapanukalang 9 na taong gulang pababa ang ituturing na walang pananagutan sa batas. Sampu hanggang 14 taong gulang ang dapat na im-bestigahan kung may tinatawag na discernment o wala.
At 15 hanggang 18-taong gulang, dapat nang panagutan sa batas ang nagawang krimen. Sa edad raw kasi na ito, alam na ng isang tao kung tama o mali ang ginagawa sa kanyang kapaligiran.
Pabata nang pabata ang mga gumagawa ng krimen at lumalala at tumitindi ang krimeng ginagawa dahil alam nilang pabor ang batas sa mga menor de edad na gumagawa ng mali.
Ayon kay Tiangco, layunin ng panukalang batas na maging mabuting mamamayan o i-discou-rage na gumawa ng labag sa batas sa murang edad pa lamang.
Sa BITAG, kinakaila-ngang hindi lamang bas- ta palakasin at patapa-ngin ang batas. Lagyan ito ng pangil na dapat katakutan at ilagan ng mga salot sa lipunan.
Ganunpaman, hindi sa lahat ng pagkakataon uma-ayon ang lahat. Sumasa- lungat naman ang Human Rights sa HB 5423 dahil nila-labag daw nito ang karapatan ng mga kabataan.
Ang tanong, hindi ba’t mas bata rin ang nagiging biktima ng mga ito? Paano naman ang kanilang karapatan?
Dahil sa kahinaan ng batas, tumitindi ang mga kasong kinasasangkutan ng mga kabataan.
Lumalakas ang apog ng masasamang loob lalo na ng malalaking sindikato na gamitin ang mga walang kamuwang-muwang na maisagawa lamang ang karumal-dumal na krimen sa bansa.
Isa ang BITAG sa tututok sa progreso ng panukalang batas na ito.