National Reading Month
MAKABULUHANG hakbangin ang pag-obserba ng National Reading Month tuwing Nobyembre taun-taon. Ito ang napagkuwentuhan namin ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.
Ayon sa Department of Education (DepEd), layon ng hakbangin na i-develop at palaganapin sa mga kabataan ang pagkahilig sa pagbabasa upang malinang ang kanilang literacy skills at lumawak ang pag-unawa sa lipunan.
Ilan sa mga aktibidad na idaraos kaugnay nito ay ang:
l Read-A-Thon — search for the best individual and team readers sa mga estudyante.
l Drop Everything and Read — 15 to 20-minute reading activity bawat araw.
l Kaklase Ko, Sagot Ko Shared Reading — ang mga mahusay magbasa ay tuturuan ang mga estudyanteng kulang pa ang kakayahan sa pagbasa.
l Intensified Remedial Reading” — pagtutok ng mga guro sa mga batang nahihirapang magbasa.
l Five Words A Week/A Paragraph A Day — pag-aaral ng mga istudyante ng hindi bababa sa isang bagong salita at talata kada araw.
l Reading Camp — mga contest hinggil sa pagbasa.
Ang “Araw ng Pagbasa” ay ginaganap ng Nobyembre 25 na kasabay naman ng ika-20 anibersaryo ng pagpapatibay ng Republic Act 7165 na lumikha sa Literacy Coordinating Council. Kasabay din nito ang pag-obserba ng National Book Development Month at National Book Week.
Isa sa mga panukala ni Jinggoy kaugnay nito ay ang Senate Bill No. 824 na naglalayong palakasin ang Republic Act 7743, “An Act providing for the establishment of congressional, city and municipal libraries and barangay reading centers throughout the Philippines.’
Ayon kay Jinggoy, ang kakayahan sa pagbasa ay susi sa pag-unlad ng mga mamamayan.
* * *
Happy birthday: Tabaco City Mayor Cielo Krisel Lagman-Luistro (November 9) at Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina (Nov. 11).
- Latest
- Trending