^

PSN Opinyon

Ang karunungan ay pananalig at talino

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

ANG Todos los Santos ay sinimulang ipagdiwang ng mga Kristiyano noong taong 853 ni Papa Gregorio IV. Iniugnay ito sa pista ng Muling Pagkabuhay subalit noong ika-9 na siglo ay inilipat na ito sa unang araw ng Nobyembre, kaugnay ng pagdiriwang sa Ireland na kapistahan ng mga paganong Celtic na tinatawag na Druids’ festival.  Noong taong 988, sinimulan ang Todos los Muertos ang panalangin para sa mga kaluluwa. Ito’y pinagtibay sa Roma noong ika-13 siglo.

Ngayon naman ay ipinababatid sa atin ng Panginoon na matatagpuan ang paghahanap natin sa karunungan. Ang karunungan ang pinaka-dakilang biyaya ng Diyos. Ito ay hindi kumukupas. Madaling matatagpuan sa bawat paghahanap natin sa kanya. Ingatan natin ang ating isipan na pinaglalagyan ng karunugan. Huwag nating sisirain ang ating isipan na banko ng karunungan. Ang nakasisira sa yaman ng karunungan ay mga galit at poot at mga ipinagbabawal na gamot.

Pag-ingatan natin ang buhay dito sa lupa na isang paghahanda sa buhay sa kabila. “Bubuhayin ng Diyos ang lahat ng namatay na nananalig kay Hesus upang isama sa kanya”. Maging sa ebanghelyo ay sinabi sa atin ni Hesus ang talinghaga na ang pagpasok sa kaharian ng Diyos ay natutulad sa sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Sila ang tinatawag nating mga abay sa kasalan na dapat ay laging handa sa paghihintay sa lalaking ikakasal. Mahalaga ang dala nilang ilawan sapagka’t sa pagdiriwang sa kasalan ay mahalaga ang oras, panahon at sandali ng kanilang paghihintay. Walang nakakaalam kung kailan, paano at saan darating ang ikakasal.

Sa 10 dalaga ay lima ang matalino na nagdala ng langis bukod sa nasa kanilang ilawan. Ang mga hangal naman ay walang dalang langis bukod sa kanilang ilawan kaya sa tagal ng pagdating ng ikakasal ay wala na silang

 ilaw. Ang limang matalino ay kasamang pumasok sa han­daan. Ang mga hangal naman ay nasa labas sa kadiliman.

Ang aral sa atin ay dapat nating paghandaan tuwina ang pagdating ng kamatayan. Tayo ba ay handa at dala ang langis ng ating ilawan? Malinis ba at maliwanag ang ating buhay sa paghihiwalay ng ating katawan at kaluluwa? Makakapasok ba ang ating kaluluwa sa kasalan ng Panginoon?

Karunungan 6:12-16; Salmo 62; 1Tesalonica 4:13-18 at Mt 25:1-13

ATING

BUBUHAYIN

DIYOS

HESUS

MULING PAGKABUHAY

PANGINOON

PAPA GREGORIO

TODOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with