^

PSN Opinyon

Ayuda sa kalaban?

- Al G. Pedroche -

KONTROBERSYAL ang pagkakaloob ng P31 milyon ng gobyernong Aquino sa dating kilabot na maka-kaliwang killer squad na Alex Bongcayao Brigade (ABB). Commitment umano ito ng gobyernong Estrada, ayon sa Palasyo. Sa harap ng pagtanggi ng kampo ni Estrada, iginigiit ng Malacañang na ito’y kasunduang narating ng nakaraang administrasyon na tinutupad lamang ng kasalukuyang gobyerno.

Hiningan natin ang paglilinaw ang Malacañang. Ayon kay Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. handa ang gobyerno na tuparin ang mga kasunduan para sa kapa-yapaan sa Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa Pilipinas-Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB). 

Kumpirmadong may nakalaang P31 milyon para sa rebeldeng  grupo mula sa Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA na mayroong pondong P329 milyon. Pinamamahalaan daw ito ng Presidential Adviser on the Peace Procress.

Giit ng Malacañang, hindi kailan man tatalikdan ang commitment para sa tunay, makatuwiran, at pangmatagalang kapayapaan. Local government units umano ang pagbibigyan ng pondo para sa pagpapaunlad ng mga komunidad gaya ng hingi ng mga rebelde.

Laman daw ng kasunduang nilagdaan noong Disyembre 2000, sa panunungkulan ni dating Pangulong Joseph Estrada, na popondohan ang iba’t-ibang proyekto para sa reintegrasyon at kaunlaran tulad ng mga proyektong pangkabuhayan, pabahay, edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, kagamitan sa pagsasaka at patubig, farm-to-market roads, microfinance, at iba pa.

Maging ang militar uma­­no’y nagpahayag ng suporta sa proseso ng kapa­yapaan sa pagitan ng gobyerno at RPMP-RPA-ABB. Ang RPMP-RPA-ABB ay isang grupong komunis–ta na kumalas noong mga unang taon ng dekada ‘90 sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army na itinatag ni Jose Maria Sison. 

Mahina na sa ngayon ang puwersa ng RPMP-RPA-ABB at maitutulad na la-mang sa kagat ng langgam ang aray na maaari nitong ibigay bilang isang palabang organisasyon. Ganoon pa man, tunay na siniseryoso pa rin ng administrasyon ni P-Noy ang pakikipag-usap dito, anang Malacañang.

vuukle comment

ALEX BONGCAYAO BRIGADE

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO N

JOSE MARIA SISON

MALACA

MANGGAGAWA PILIPINAS-REVOLUTIONARY PROLETARIAN ARMY-ALEX BONCAYAO BRIGADE

MASAGANANG PAMAYANAN

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PEACE PROCRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with