Nayanig ang industriya ng akademiya ng mahulog sa BITAG ang isang college dean dahil sa immoral na alok nitong Kuwarto o Kwatro.
Kabahagi sa kaniyang krimen ay ang pagpopost ng mga hubad na larawan ng kaniyang biktimang estud-yante upang muli itong makipagbalikan sa kaniya.
Kaya naman ang suspek na Dean, kauna-unahang nasampahan ng kasong paglabag sa bagong batas na Republic Act 9995 o Anti-Photo and Voyeurism Act.
Matatandaang eto yung panukalang batas ni Buhay Party List Representative Irwin Tieng na Cyberboso Bill.
Matagal tinutukan at pinag-aralan ni Rep. Irwin Tieng ang mga kasong naipalabas ng BITAG hinggil sa pagpapakalat at pagpo-post ng mga malalaswang larawan ng mga dating kasintahan ng biktima upang manira at manakot.
Kaya taong 2009, kung hindi pa isang artista ang maging biktima, hindi pa tuluyang naaprubahan ang batas na ito.
Ngayon ay nasubukan at mahigpit ding tinututukan ng BITAG sa kaso ng Dean na suspek. Ang biktima, patuloy na tinutulungan ng tanggapan ni Rep. Tieng.
Sa kasalukuyan, ang dean na si Alexander Rible ay meron nang hold departure order na inilabas ng korte upang hindi ito makalabas ng bansa at tuluyang harapin ang kasong kaniyang kinasangkutan.
Samantalang ang kolehiyong pinapasukan ng Dean noong mga panahong iyon, ang St. Jude College, agad nakipagtulungan sa BITAG at sa biktima.
Sinampahan rin nila ng kaso si Dean Rible at pina-lakas ang mga programa sa kanilang eskuwelahan upang protektahan ang kanilang mga estudyante laban sa mga kaso ng sexual harassment at sa immoral na alok ng Kuwatro o Kuwarto.
Tumulong din ang es-kuwelahan sa pagha-hanap ng iba pang ebidensiyang kinailangan ng korte sa kasong ito.
Nakatutok ang BITAG sa kung anuman ang kahihinatnan ng kasong ito. Masusubukan sa unang pagkakataon ang pangil ng R.A. 9995, asahang muli kaming magbibigay ng update sa kasong ito.