^

PSN Opinyon

Ang diplomatic thrust ng PNoy gov't

- Al G. Pedroche -

Minsa’y pumupuntos din ng maganda ang foreign po-licy ng administrasyong Aquino. Parang kamakailan lang nang umasim ang relasyon ng Pilipinas at China kasunod ng Luneta hostage crisis na kumitil sa buhay ng ilang turistang Intsik.

Pero sa kabila nito, tagumpay ang state visit ni PNoy sa Peoples Republic of China. Nakapag-uwi pa ang Pangulo ng multi-bilyong pisong puhunan para sa bansa matapos ang misyon ani Executive Secretary Paquito Ochoa.

Makaraan ang hostage-taking sa Quirino Grandstand sa Maynila noong Agosto 2010 nagalit ang Beijing sa bagong administrasyon. Kahit ako’y nangamba na baka ito na ang simula ng patuloy na pag-asim ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa. Inakala pa ng iba na baka lalung uminit ang paghahabol ng Tsina sa pinag-aagawang Spratly Group of Islands dahil nagsimulang magpakita ng puwersa ang Tsina doon. Di nga ba’t ito’y nagbunsod para bumili ng mga barko de giyera mula sa Amerika kahit segunda mano?

Pero sa awa ng Dios, kontrolado ng ating pamahalaan ang mga galaw at maniobra sa West Philippine Sea. Sapat para hindi makaungos ang China at sapat din para hindi giyerahin ang Pilipinas ng isang bansang mayroong malalakas na armas-pandigma at malaking bilang ng mga sundalo.

Kamakailan naman ay dumalaw sa bansa ang Pangulo ng Vietnam at nagpahayag ng paniniwala ang Executive Secretary na lalong titibay pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa naturang state ni Vietnam President Truong Tan Sang dahil na rin sa kahusayan ng pambansang gobyerno sa mga patakarang-panlabas at diplomasiya.

Siyanga pala, sa Nob. 4 ay ilulunsad ang YouTube World View at dito’y puwedeng magtanong ang madla sa ating Pangulo. Natuwa ako sa pakuwelang tanong na inihanda kay P-Noy ng ating media friend na si Danny dela Cruz, Jr., isang media practitioner at malikhaing manunulat  sa mga lansangan ng Maynila (kung pahihintulutan ng organizer ng You tube World View kung saan isasalang ang Pangulo sa ika-4 ng Nobyembre para sumagot sa mga katanungan):

“Magandang araw, mahal na Pangulo. Kung mapipikon sa atin ang China sa usapin ng West Philippine Sea, ano ang magiging tugon ng Pilipinas sa sabay-sabay na pagtalon ng kabuuan ng kanilang populasyon para tayo yanigin?”

Kaugnay ng state visit ng Vietnamese President, sinabi ni Ochoa na kapwa nagpahayag ng kahandaan ang pamahalaan ng Vietnam at Pilipinas na tugunan ang matagal nang suliranin sa pangingisda ng mga Vietnamese sa mga karagatang nasasakop ng bansa.

Aniya, unang nagpakita ng kabutihang-loob (bilang bahagi ng diplomasiya) ang Pilipinas nang palayain nito ang 120 mangi-ngisdang Vietnamese na nadakip dahil sa labag na pangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.

EXECUTIVE SECRETARY

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA

MAYNILA

PANGULO

PEOPLES REPUBLIC OF CHINA

PERO

PILIPINAS

WEST PHILIPPINE SEA

WORLD VIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with