Panalangin ang kasagutan
PARA kay Bro. Eddie Villanueva, namumuno sa Jesus Is Lord Church worldwide, panalangin lang ang kasagutan sa krisis na dinaranas hindi lamang ng Pilipinas kundi buong mundo.
Sa ika-33 anibersaryo ng JIL na dinaluhan ni Presidente Benigno Aquino III, nagpahayag ng buong suporta ng JIL si Bro. Eddie sa ikapagtatagumpay ng administrasyon at ito’y unang-una sa pamamagitan ng panalangin.
Bagay naman itong inayunan at pinasalamatan ng Pangulo. Sa okasyong ginanap sa Luneta inilunsad ang God Bless the Philippines Global Prayer Movement na naglalayong magbigay ng full prayer support sa admi-nistrasyong Aquino.
Saglit akong dumalo sa okasyon para bumati sa pagdiriwang ng JIL at ang tanong ko kay Bro. Eddie: “Kung ikaw kaya ang nanalong Presidente makakayanan mo ang mga krisis na dinaranas ni Pnoy?” Sagot niya “God will intervene Bro. Al.”
Mabigat ang mga krisis sa bansa: Mataas na kriminalidad; nakawan, patayan, korapsyon sa gobyerno. Talagang ang diyablo’y working overtime at kailangan natin ang divine intervention sa ganitong problema.
Naniniwala akong prayer is the only solusyon sa ganitong scenario. Kaya lang, dapat ito’y panalangin ng mga taong matutuwid kung ibig nating dinggin ng Dios (James 5:16).
Masyado nang maraming gahaman at makasarili sa lipunan at ang mga taong ito ang dapat ipanalangin para matauhan at matanto ang kanilang pagmamalabis na nakapipinsala sa lipunan.
Ordinaryong tao man o may mataas na katungkulan, dumarami ang mga masyadong self-centered na kapa-kanan lang na pansarili ang iniintindi. Sabi sa 1 Timothy 3:10 – ang labis na pagmamahal sa salapi ay ugat ng kasamaan. Nakadidismaya na kahit sa mga umuugit ng pamahala-an ay may mga gahaman sa salapi at poder. Iyan ang dahilan kung bakit hilahod ang ating lipunan. Maraming nagdurusa dahil sa pang-aabuso ng mga nasa estado poder.
Simply put, naghihirap ang daigdig dahil dumarami ang mga sakim at gahaman. Let’s continue praying for our nation.
- Latest
- Trending