PINAGBUBUTI ng Cebu Pacific ang kanilang serbisyo sa madlang people na tumatangkilik sa kanila kaya naman bilang ganti ay inilunsad nila ang kanilang web check-in service with free seat selection, bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero sa paliparan ngayong November and December.
Sabi nga, travel peak.
Ang mga pasahero ay 100% makakukuha ng kanilang upuan sa web check-in process.
Sa kuento sa mga kuwago ng ORA MISMO, ng pamunuan ng Cebu Pacific nagdagdag sila ng flights at seat capacity hanggang sa huling quarter ng 2011 dahil sa dumadagsa ang kanilang mga passenger kaya naman gusto nilang matugunan ang demand.
“Passengers on Airbus flights can check-in online from 48 hours up to 4 hours before their flight, and get assigned a seat for free. We hope this added service will help minimize lines at the airport and provide added convenience to our guests,” sabi ni Candice Iyog, CEB VP for Marketing and Distribution sa mga kuwago ng ORA MISMO.
Ang CEB ang unang airline sa bansa na nag-alok ng web check-in services, na nagpapahintulot sa mga pasahero na mag-check-in nang online at mag-print ng boarding passes bago ang flight. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng “Manage Booking” section sa CEB website, www.cebupacificair.com.
Ang mga riding public ng international flights na walang check-in luggage ay kailangang dumaan sa web check-in counter para sa beripikasyon ng travel documents ng halos 45 minuto bago ang departure time.
Ang mga nasa domestic flights na walang check-in luggage ay maaaring dumiretso sa boarding gate kaya nandoon na sila 30 minutes before the departure time.
Ang mga passenger naman na may check-in luggage ay kailangang ibaba ang kanilang bags sa web check-in counter, 45 minutes before the flight.
'Ang daming magagandang paraan na naisip ang mga taga-Cebu Pacific para mapasaya ang kanilang mga passenger at maging komportable.
Kudeta
Hindi biro ang maglunsad ng kudeta laban sa gobierno porke big capital ang kailangan dito at hindi basta salapi kundi taksang-taksan atik.
Bukod sa salapi kailangan suportado ito ng madlang people para mas malakas at matuloy ang gusto at siempre kailangan may 'blessing' ang kano para matupad ang pangarap na i-taob ang gobiernong iku-kudeta.
Ika nga, look what happened to Libya!
Ayon giba at tigok si Ghadafi!
Ang tsismis na may kudeta ay pinalutang the other week sa Philippines my Philippines at naging tsismis sa mga kutsero at barberya kasi nga, hindi naman ito pinansin ng ilan dahil 'busy' sa trabaho.
Sabi nga, may ilang pulitiko lang ang nag-ingay.
Nalito rin ang gobierno ng mabalitaan ito labasan sa kanilang mga lungga ang PR group at ng lumaon nagkibit balikat na lamang ang mga nasa administrasyon.
Ika nga, wala iyan!
'Ano ngayon ang problema sa Philippines my Philippines?' tanong ng kuwagong Spo-10 sa Crame.
'Busy lahat sila dahil sa undas kaya hindi muna ito binigyan halaga' sabi ng kuwagong haliparot.
'Baka after undas lumutang ulit ang isyu?'
'Hanggang may mga hindi satisfied sa patakbo ng gobierno walang tigil ang mga urot na mang-urot', sabi ng kuwagong kamote.
'Ano ang mabuti?'
'Dyan bahala na kayong mag-isip'.
Mag-ingat ngayon undas
DAPAT huwag magpa-bright-bright ang madlang public ngayon undas dahil alam naman natin na nagkalat ang mga kriminal sa different places ng Philippines my Philippines para mambiktima.
Kaya naman ang payo ng mga kuwago ng ORA MISMO, mag-ingat kayo sa pagpunta sa mga sementeryo at huwag pakaang-kaang pag-alis ng inyong mga bahay para hindi kayo masalisihan.
Si PNP Director Nicanor Bartolome sampu ng kanyang mga lespu ay nakakalat na sa mga strategic places para bantayan at bigyan ng seguridad ang madlang people kaya naman hinigpitan ang security hindi lang sa sementeryo kundi maging sa mga paliparan, terminals ng barko at buses, MRT at LRT echetera.