^

PSN Opinyon

'Stay younger, live healthier'

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

LAHAT ng tao ay nagkakaedad. Pero may mga paraan para mapabagal ang ating pag-edad. Naisulat ko ang mga mahalagang tips sa librong “Stay Younger, Live Heal-thier” at “Sakit Sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain.”

Ang ating Pilipino Star NGAYON at Philippine STAR President, Mr. Miguel G. Belmonte, ang sumulat ng paunang salita. Alamin natin ang mga payo:

1. Kumain ng almusal araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansyang almusal. Ang katawan natin ay parang kotse at kailangan natin ng enerhiya sa umaga.

2. Kumain ng pagkaing may tomato sauce (ketsap at spaghetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito sa maraming kanser katulad ng prostate cancer at breast cancer. Sa bawat linggo, subukang kumain ng 10 kutsarang tomato sauce o 150 ml.

3. Kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw. Masustansya ang maberdeng gulay at prutas tulad ng mansanas, saging at pakwan.

4. Huwag sosobrahan ang kahit anong pagkain. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin.

5. Magbawas din sa sobrang daming kanin. Mas ma­ sustansya ang brown rice at wheat bread.

6. Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay. Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.

7. Mag-alaga ng aso. May mga pagsusuri ang nagsasabi na nagpapahaba ng buhay ang aso sa kanyang amo. Ito’y dahil nagbibigay ng pagmamahal ang aso sa kanyang amo.

8. Tumawa ng 15 minutos bawat araw. Laughter is the best medicine. Nagpapasaya ito at nakatatanggal ng problema.

9. Magkaroon ng ma­bait na kaibigan. Makatu-tulong sila sa pagtanggal ng stress sa buhay.

10. Makipag-sex (sa iyong asawa o partner) ng mas madalas. Kontrobersyal itong payo pero na­patunayang may katotohanan. Ang pakikipag-sex ay isang uri ng ehersisyo at naka­babawas din sa stress.

11. Umiwas sa bisyo at peligro. Iwasan ang paninigarilyo, alak, pagpupuyat at drugs.

12. Matulog ng 7-8 oras bawat araw. Ang tulog ang sadyang nagpapalakas sa ating katawan. Mas mabisa rin po ang tulog sa gabi kaysa sa umaga.

Alagaan po natin ang kalusugan. Tandaan: Ang kalusugan ay ating kayamanan.

HUWAG

KUMAIN

LEFT

LIVE HEAL

MR. MIGUEL G

PILIPINO STAR

SAKIT SA PUSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with