^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hustisya sa mga sundalo at kay Fr. Tentorio

-

MARAMING naghahanap ng hustisya ngayon. Halos nagkasabay-sabay at ang tanong ay kung kaya bang maipagkaloob ang inaasam na hustisya. Pero kung ang gobyerno ni President Aquino ang tatanungin, maipagkakaloob ang hustisya sa 19 na sundalo. Ipinag-utos na ni Aquino ang pagbomba sa mga kuta ng pinaghihinalaang nang-ambush sa mga sundalo noong Oktubre 18 sa Al-Barka, Basilan at ganundin sa mga nang-ambush sa mga sundalo at pulis sa Zamboanga Sibuhay. Ito ay para maipagkaloob ang “all-out justice” sa mga biktima. Pero sinabi ni Aquino na hindi target ang mga kampo ng MILF. Tanging lawless elements lang ang pakay ng isinasagawang pambobomba. Kahapon umabot na sa 12 ang mga napatay na rebeldeng MILF sa sunud-sunod na pambobomba.

Marami ang naniniwalang “all-out war” ang tanging paraan para maipagkaloob ang hustisya sa 19 na sundalong pinatay sa Basilan. Maski ang mga matataas na opisyal ng AFP ay nagsabing dapat nang salakayin ang mga kuta ng MILF at ganundin ang Abu Sayyaf. Malakas ang paniwala na nagsasanib ng puwersa ang dalawang grupo.

Pero sabi ni Aquino, walang “all-out war”. Tuloy daw ang pag-uusap para sa kapayapaan. Hindi na mababago ang pasya ni Aquino ukol sa pakikipag-usap sa mga rebeldeng MILF. Noong nakaraang Agosto ay nakipagkita at nakipag-usap ng sekreto si Aquino kay MILF leader Murad Ibrahim sa Tokyo Japan. Pero makaraan lamang ang ilang linggo ni-reject ng MILF ang iniaalok na autonomiya ng gobyerno.

Sana nga totoo nang maipagkakaloob ang hustisya sa mga sundalong pinatay para hindi na maghintay nang matagal.

Ibigay din naman ang hustisya sa pinatay na Ita-lian priest Fr. Fausto Tentorio. Inilibing na si Fr. Tentorio noong Martes at mahigit 10,000 ang nakiramay at nakipaglibing. Marami ang naghihinayang kay Fr. Tentorio sapagkat wala na ang paring maraming naitulong sa kanila. Habang ipinuprusisyon patu-ngo sa huling hantungan, marami ang nagsasabing dapat mabigyan ng agarang hustisya ang pari.

Si Fr. Tentorio at ang mga napatay na sundalo ay ilan lamang sa humihingi ng hustisya.

vuukle comment

ABU SAYYAF

AQUINO

BASILAN

FAUSTO TENTORIO

HUSTISYA

MARAMI

MURAD IBRAHIM

PERO

TENTORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with