Hindi plastic si Mayor
BERDENG utak. Dati’y may malaswang kahulugan. Ngunit sa panahon ngayon, ang matawag kang berdeng utak ay isang pagtangi sa iyong malasakit sa kapaligiran. Ito’y patunay na ika’y responsableng miyembro ng lipunan.
Sa ganitong pamantayan, maipagmamalaki ng Lungsod ng Maynila ang isa sa pinaka-berdeng utak na pinuno ng bansa, si Mayor Alfredo S. Lim.
Nagkapangalan si Lim bilang simbolo ng peace and order. Saksi ako sa paghanga ng kapwa niya mayor nang maimbitahan siya sa mga international conference. Bida ng isang mayor na taga-Florida: “Mayor Lim is the real Dirty Harry”.
Kung kilala ang kanyang tapang kahit sa labas ng Pilipinas, ang hindi gaanong alam sa labas ng lungsod ay ang katotohanang si Lim ay mapusok na kapanalig ng mga environmentalists. Sino ang makakalimot na ang unang siniguro ni Lim sa pagbalik sa pwesto ay ang maibigay muli sa publiko ang Arroceros Forest Park dahil batid niyang nababawasan na ang mga puno sa lungsod? Importante sa kanya na magawan ng paraan ang ating nasasalaulang ekolohiya. Gaya ng kanyang sinseridad sa kampanya laban sa krimen, pinangangatawanan din ni Mayor ang paninindigan para sa kapaligiran.
Ang katunayan? Nakakasa na ang tiyak na magiging pinakamabisang promotional material para sa kampanyang mabawi at maibalik ang kalinisan ng lipunan. Ang Lungsod ng Maynila, ang kapitolyo ng bansa, sa pangu-nguna ni Lim, ay nakahanda nang ipagbawal ang paggamit ng plastic, styrofoam at iba pang non-biodegradable materials. Alam ng lahat ang implikasyon ng hakbang na ito. Where Manila goes, the Nation goes. Kapag naum-pisahan ito sa sentro, oras na lamang ang bibilangin bago magsunuran na ang mga bayan at probinsiya sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa totoo lang ay may special reason kung bakit kontra plastic si Mayor: ito kasi ang panguna-hing sanhi ng pagbara ng mga estero ng Maynila na nagreresulta sa baha.
Pero ito’y panegundong dahilan lamang. Ang ma-yor ko ay berdeng tunay. Sa bagay na ito, gaya ng kanyang imahe sa publiko, hindi siya plastic.
- Latest
- Trending