^

PSN Opinyon

Walang all-out war laban sa MILF

- Al G. Pedroche -

TILA mali ang interpretasyon ng iba sa naisulat ko kamakailan at inakalang pabor ako sa “all-out war” laban sa MILF. Lilinawin ko lang. Ang sabi ko’y buksan ang pintuan sa reconciliation sa mga gustong magbalik-loob sa lipunan, bigyan sila ng tulong pinansyal at yung mga naghahasik ng karahasan ay papanagutin ayon sa batas. Kasi’y ilang dekada nang sinubukan ang peace talks na hindi yata umeepekto. Natural, dapat umaksyon ang ating pulisya o militar kapag gumamit ng dahas ang kalaban at huwag magpapatali sa umiiral na ceasefire. 

At iyan na nga ang ginawa ng militar kamakalawa nang magsagawa ng ground attack at air strike para tugisin ang mga naghasik ng lagim kamakailan na ikinamatay ng marami nating kasundaluhan at kapulisan. Sana’y sinsero ang MILF sa sinabing tutulong ito sa pagdakip sa mga elemento nitong lumabag sa batas. Pinabulaanan ng grupo ang alegasyon na kinakanlong nito ang mga lumalabag sa batas.

Maraming politiko ang sumakay sa usapin mailagay lang sa front page ng mga dyaryo ang kanilang pangalan at opinyon. Ini-endorso ang “All out war!”

Para sa akin mas pabor ako na dagdagan ang ngipin ang police operation laban sa mga lumalabag sa batas. Oo, kahit pa MILF. Noong una’y inakala kong mananatiling malamya ang Pangulo. Pero inawtorisahan niya ang maigtingang pagtugis sa mga lawless elements na hinihinalang kasapi ng MILF. “All-out justice” aniya pero hindi all-out war. Kung sadyang kailangan ang peace process, sige. Pero gawin ito sa paraang kalkulado at pinag-isipan nang husto.

Napakarami ng mga nalagas sa ating mga kasundaluhan. Kay babata, baguhan sa larangan ng pakikidigma. Dapat lang silang saluduhan sa kabayanihang ginawa.

Pero teka, totoo kaya ang mga balitang umiikot sa Mindanao na may da-ting mataas na opisyal ng nakaraang administrasyon na namumudmod ng salapi para mapanatili ang gulo sa Mindanao? Nakikinabang umano ang ilang opisyal kapag nananatili ang sigalot doon. Wow! Sabi nga, ang giyera ay isang malaking negosyo! Kung ito’y totoo, nakadidismaya ang pagkaganid ng kapwa natin Pilipino na basta malam­-nan ang lukbutan ay di ba­ling magbuwis ng buhay ang ating mga kababayan.

DAPAT

INI

KASI

LILINAWIN

MARAMING

MINDANAO

NAKIKINABANG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with