^

PSN Opinyon

Editoryal - Aksaya sa kanin

-

SA darating na Nobyembre ay National Rice Awareness Month. Ipinaalala sa bawat Pilipino ang kahalagahan ng bigas bilang pangunahing pagkain kaya nararapat na huwag aksayahin ang kanin. Taun-taon ay inoobserba ito subalit marami pa rin ang patuloy na nag-aaksaya sa kanin. Walang taros kung itapon ang kanin sa basurahan particular ang mga kumakain sa restaurant. Maraming oorder ng kanin subalit hindi naman uubusin kaya sa basurahan ang swak. Habang maraming Pinoy ang nag-aaksaya sa kanin, marami naman ang nagrerebolusyon ang tiyan sa gutom.

Sa report ng Philippine Rice Institute (PhilRice), bawat isang Pinoy ay nag-aaksaya ng tatlong kutsarang kanin araw-araw. Kung pagsasama-samahin ang mga naaaksayang kanin, maaari nitong pakainin ang 4.3 milyong nagugutom na Pinoy. Makakatipid naman umano ang pamahalaan ng P10-bilyon bawat taon kung mapipigilan ang pag-aaksaya sa kanin.

Payo ng PhilRice sa mamamayan na huwag mag-aksaya. Kumain lamang ng sapat na kanin. Hinihikayat din ng PhilRice ang mamamayan na huwag lamang kanin ang kainin kundi kumain din ng saging na saba, kamote, kamoteng kahoy at patatas, sapagkat ang mga ito ay may nutrisyon na katulad din ng sa kanin.

Noong isang araw ay may report na maaaring kapusin sa bigas ang Southeast Asia dahil sa mga kalamidad na tumama sa mga bansang ang iniluluwas na produkto ay bigas. Matinding tinamaan ang Thailand na hanggang ngayon ay lubog pa sa baha. Maraming palayan sa Thailand ang nasira kaya mababawasan umano ang produksiyon. Napinsala rin umano ang mga palayan sa Vietnam. Dito sa Pilipinas ay marami ring napinsalang palayan, particular sa Isabela, Nueva Ecija at Bulacan. Pero sabi ni Agriculture secretary Proceso Alcala, wala raw kakapusan sa bigas na dadanasin ang bansa. Sapat daw ang bigas sa taon na ito.

Sana ay totoo ang mga sinabi ni Alcala. Pero mas maganda na rin kung magtitipid at hindi mag-aaksaya sa kanin ang maraming Pinoy. Ipag-utos sa mga restawran na itigil ang pagbibigay ng sobrang kanin sa customer sapagkat naaaksaya lang. Hindi naman nauubos. Kawawa ang lahat kapag hindi iningatan ang bigas.

KANIN

MARAMING

NATIONAL RICE AWARENESS MONTH

NUEVA ECIJA

PERO

PHILIPPINE RICE INSTITUTE

PINOY

PROCESO ALCALA

SOUTHEAST ASIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with