^

PSN Opinyon

Pagkaing panlaban sa kanser (Part 1)

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

May mga pagkain bang panlaban sa kanser? Oo, ayon kay Dr. David Servan-Schreiber, pinuno ng Center of Integrative Medicine sa University of Pittsburgh School of Medicine at tanyag na autor ng librong Anticancer: A New Way of Life.

Ayon sa libro ni Dr. David, heto ang listahan ng mga panlaban sa kanser:

1. Green tea – Ang green tea ay may sangkap na ca-techins, na nagpapabagal sa paglaki ng tumor. Ayon kay Dr. David, painitin ang green tea ng 5-8 minuto, at uminom ng 2 basong green tea bawat araw. Piliin ang green tea na non-caffeinated, para walang side effect.

2. Pagkaing may curry – Ang dilaw na curry ay mabisang panlaban sa pamamaga ng ugat. Sa pagsusuri, nakatutulong ang curry sa mga taong nag-che-chemothe-rapy para mapabagal ang paglaki ng bukol.

3. Luya – Ang luya ay matagal nang ginagamit sa Asia para gamutin ang pagduduwal, pagsusuka, ubo, sipon sakit ng ulo, sakit ng tiyan at arthritis. Ang matinding amoy nito ay nanggagaling sa sangkap na gingerols, na siyang nagpapagaling sa mga sintomas na nabanggit. May tulong din ang luya sa pagsugpo sa kanser.

4. Cabbages tulad ng bok choy, broccoli, cauliflower at brussels sprouts. Ang mga cabbages (repolyo) ay may sangkap na sulforaphane at indole-3-carbinols, na mabisang panlaban sa kanser. Sa pagluluto ng gulay, i-steam o lutuin lang ng bahagya na may kasamang olive oil. Huwag pakuluan ang gulay dahil mawawala ang bisa nito laban sa kanser.

5. Bawang, sibuyas at leeks – Sa pagsusuri, ang mga sibuyas ay malakas pumigil sa paglago ng cancer cells. Ang bawang ay may sangkap na allyl sulfides, na tumutulong sa pagsugpo ng kanser sa colon, suso, baga at prostate. Para maging epektibo, ang bawang ay kailangang durugin at prituhin ng kaunti. Huwag sunugin! Puwede ring kainin ng hilaw ang bawang, pero mag-ingat lang at nakahahapdi ito ng sikmura.

6. Madilaw at mapulang gulay at prutas – Ang mga pagkaing ito ay sagana sa beta-carotene, vitamin A at lyco­pene, na maaaring makapigil sa kanser. Kumain nang maraming karots, kamote, ka­ la­­basa at kamatis (4 K’s). Napa-kasustansya po nito. Sa isang pagsusuri ng breast cancer patients, napatunayan na ang mga pasyenteng malakas kumain ng 4 K’s ay mas humahaba ang buhay kumpara sa mga hindi kumakain nito. (Abangan sa sunod na linggo ang 6 pang pagkaing panlaban sa kanser.)

A NEW WAY OF LIFE

ABANGAN

AYON

CENTER OF INTEGRATIVE MEDICINE

DR. DAVID

DR. DAVID SERVAN-SCHREIBER

HUWAG

KANSER

UNIVERSITY OF PITTSBURGH SCHOOL OF MEDICINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with