^

PSN Opinyon

Garapal

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

LISENSYADO ang baril ko ha at mayroong permit to carry (PTC), bida ni Secretary Ronald Llamas, Presidential Adviser for Political Affairs. Kung ganoon, hindi ba dapat ang nagbibitbit lang ng baril ay iyong lisensyado at nabigyang permiso? At sino iyon? Tanging si Sec. Llamas. Ang pagdala ng taong iba sa kanya ay malinaw na paglabag sa batas.

Kapag hindi niya dala ang mga lisensyadong baril, maging sa loob o labas ng kanyang pamamahay, saan ito dapat iniiwan? Ang lisensyadong may-ari ay dapat naniniguro na nakatago ito sa lugar na hindi basta makukuha ng sinumang walang lisensyang humawak. Ilang buhay na ang naglaho – marami dito bata - nang dahil lang sa kapabayaan sa pagtago ng mga sensitibo at peligrosong armas. Ang pagbigay ng lisensya ay pagkilala na ika’y responsable at pagkakatiwalaan sa pag-iingat ng baril. Ang pag-amin ni Sec. Llamas na inutusan niya ang mga alalay na iuwi ang baril at i-secure ang mga ito ay confession na rin niya na pinahawak sa mga walang lisensyang tao ang kanyang dangerous weapons.

Subalit sa ilalim ng batas ay may karapatan daw siyang mag-may ari ng mahabang armas. Hindi ito tama. Sa ilalim ng PD 1866, hanggang low caliber long arms lamang ang maaring ariin ng isang sibilyan. Ang AK-47 ay hindi lamang high-caliber at automatic, ito ay tinatawag na assault weapon na dinisenyo talaga upang makapatay. Pagtabihin ang walong hollow block dulo sa dulo at wawasakin ito ng bala ng AK-47. Ganito kagrabeng firepower, ipapaubaya sa karaniwang sibilyan? Mismong ang mataas na hukuman sa kaso ni Robin Padilla ang nagsabi na ni hindi kailangan ang sertipikasyon na wala lisensya ang mga baril dahil bawal naman sa batas na malisensyahan ang sibilyan ng mga tulad ng dala niyang M-16 (baby armalite) at mga handgun na .357 at .380 Berretta. Hambing sa AK-47, parang laruan ang M-16.

Siyempre, ang pagpakuha rin ng mga gamit mula sa sasak-yan habang kasalukuyang iniimbestigahan ng pulis ang scene of the crime ay iligal na pakikialam sa imbestigasyon.

Sa kasaysayan ng krimen sa Pilipinas, wala nang kasing garapal kaysa itong hayagang pambabastos sa kapangyarihan sa kaso ni Sec. Ronald Llamas.

Grade: Utak Wangwang

vuukle comment

BARIL

GANITO

HAMBING

POLITICAL AFFAIRS

PRESIDENTIAL ADVISER

ROBIN PADILLA

RONALD LLAMAS

SECRETARY RONALD LLAMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with