^

PSN Opinyon

Bagyo si Bulalacao

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MUKHANG may hangover pa si Cavite PNP director Sr. Supt. John Bulalacao. Alam n’yo kasi., si dating PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo ang nagpaupo kay Bulalacao. Nagretiro si Bacalzo noong nakaraang buwan pa at ang pumalit ay si Gen. Nicanor Bartolome. At kung ang mga action ni Bulalacao sa pagbukas ng saklaan, mukhang ang akala niya ay si Bacalzo pa ang PNP chief. Mayroon kasing “all-out” war laban sa pasugalan na iniutos si   Bartolome at sinusunod naman ito ni PRO4-A director Chief Supt. Gil Meneses. Subalit imbes na sundin si Bartolome, nagbukas pa ng sugalan sa Cavite. Bagyo si Bulalacao kay Bacalzo.

Sa ngayon, talamak ang sakla at lotteng sa Bacoor, Imus, Dasmarinas, Kawit, Rosario at Cavite City. Ang bangka ay walang iba kundi si alyas Danny Itlog. Ang inutusan ni Bulalacao na magpabukas ng naturang pasugalan ay ang kanyang bagman na sina SPO2 Marlon Garcia at Landong Bulag. Talagang sakla ang lakad nitong si Landong Bulag at sa katunayan meron siyang ganoong sugal sa mga upland towns ng Cavite. Itong si Landong Bulag mga suki ay “hao shiao” na miyembro ng media. Ang bukambibig niya ay taga-DZRH siya subalit hindi naman siya kilala doon. Dapat sigurong ipaaresto ng pamunuan ng DZRH si Landong Bulag dahil kinakaladkad niya ang istasyon sa masamang gawain.

Dapat iutos din nina Bartolome at Meneses na pagsisibakin itong puwesto ng sakla at lotteng, hindi lang ni Danny Itlog, kundi maging ang kay Landong Bulag para mabawasan ang pagyayabang nila. At si Bulalacao? Bahala na si Bartolome dyan dahil alam naman nito na ang loyalty ni Bulalacao ay ke Bacalzo. Baka inuuna lang ni Bulalacao na mapuno ang bulsa niya ng lingguhang intelihensiya?

Kung sabagay, nagtatrabaho rin si Bulalacao at sa katunayan maganda ang resulta ng hostage-taking incident sa Bacoor noong nakaraang linggo kung saan matiwasay na sumuko ang apat na suspects. Naiwasan ang pagdanak ng dugo dahil pinalaya ang walong bihag. Kahit talamak ang pasugalan nina Danny Itlog at Landong Bulag sa Cavite, basta itong si Bulalacao ay nagtatrabaho, Ok lang. Di tulad ng ibang PD diyan, na nagpapalamig lang sa kanilang opisina at hindi pinapansin ang lumalalang kriminalidad basta kapit-tuko sila sa kanilang mga governor.

Kaya lang, hindi maganda sa imahe ni Bulalacao na hindi niya sinusunod ang “all out” war nina Bartolome at Meneses laban sa pasugalan. Abangan!

vuukle comment

BACALZO

BACOOR

BARTOLOME

BULALACAO

CAVITE

CAVITE CITY

CHIEF SUPT

DANNY ITLOG

DAPAT

LANDONG BULAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with