^

PSN Opinyon

Pakwan ang lunas

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

AYON sa mga eksperto, ang pakwan ay isa sa pinakamagandang prutas sa summer at sa tag-ulan. Malamig, matamis at nakagiginhawa ang pagkain ng pakwan. Ang pakwan ay may 92% alkaline water at mabuti ito sa ating kidneys, pantog, sikmura at bituka.

Maraming vitamin A, vitamin C at potassium ang pakwan. Nakatutulong din ito sa mga may bad breath, sore throat, singaw at impeksiyon sa ihi. At hindi lang iyan, alam mo ba na may tulong din ang pakwan sa paggamot sa bungang araw at heat stroke?

1. Bungang araw o heat rash – Mapula at makati ang rashes ng bungang araw. Mukha itong tigyawat. Nakukuha ito kapag lagi kang nagpapawis. Magsuot ng maluwag at preskong baro na gawa sa cotton. Maligo din sa maghapon. Huwag lagyan ng oily na lotion ang bu­ngang araw.

Ano ang lunas sa bahay?

A) Kumuha ng balat ng pakwan at palamigin ito sa refrigerator. Ipahid ang loob ng Pakwan (pulp area) sa parte na may bungang araw. Maginhawa ito sa balat at nakababawas ng rashes.

B) Para mabawasan ang kati: Maghalo ng 1 basong tubig at 1 kutsaritang baking powder. Isawsaw ang tuwalya sa solution na ito at ipahid sa katawan ng 10-15 minuto. Gawin ito ng 2-3 beses sa maghapon para mabawasan ang kati.

2.Kapag mainit ang panahon – Ang heat stroke ay nakukuha sa sobrang init ng panahon. Nahihilo ang mga pasyente at sumasakit ang ulo. Nahihirapan din mag-isip at parang hihimatayin. Tumataas din ang temperature ng katawan.

Tips para makaiwas sa heat stroke:

A) Huwag lumabas ng bahay mula 10 AM hang-   gang 4 PM. Kahit nasa beach ka at dapat din umiwas sa pag-swimming ng ganitong oras.

B) Magsuot ng preskong baro na kulay puti.

C) Magsuot ng malaking sombrero o mag-payong.

D) Huwag masyadong mag-ehersisyo kapag mainit. Mas mabilis kasi mapagod ang ating katawan. Dahan-dahan lang.

E) Uminom ng mala­mig na tubig, hanggang 12 baso sa isang araw.

F) At siyempre, kumain ng pakwan!

Ano ang lunas sa bahay?

A) Kumuha ng basang tuwalya at ipunas ito sa katawan.

B) Dalhin ang pas-yente sa malamig o air-conditioned na lugar.

C) Kung gising siya, painumin ng malamig na tubig.

D) Bigyan ng mara-ming hangin para mabawasan ang init sa katawan.

Good luck po!

ANO

ARAW

BIGYAN

BUNGANG

HUWAG

KUMUHA

MAGSUOT

PAKWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with