^

PSN Opinyon

Room 271

DURIAN SHAKE -

HINDI ko na inusisa pa kung sino talaga ang nasa Room 271 ng isang local hotel dito sa Davao City noong nakaraang Miyerkules sa simula ng 111th national congress ng Public Employment Services Office ng Department of Labor and Employment.

Andun ako sa nasabing hotel dahil hinintay ko ang pagdating ni Vice President Jejomar Binay na keynote speaker sana sa nasabing congress. Ngunit hindi duma­ting si Binay at napilitan akong tumambay na rin sa music room ng hotel dahil nga 7:00 p.m. na. Umalis kami ng hotel ng 10:00 p.m.

Sapat na ang nasagap ko na balita sa mga nasa pali-paligid noon na sobrang maarte raw ang nasa Room 271 at ito ay nalasing sa nakaraang gabi at nasobrahan daw ata ang ininom na maintenance medicine nito kaya nagwala sa hotel premises.

Tumawag ng 911 ang hotel at dumating nga ang isang ambulansiya. Ngunit hindi raw sumama ang “aktor’’ sa unang pagpunta ng ambulance. Nagmatigas daw ito hanggang napilitan ito sumama ngunit bumalik din agad sa hotel sa pangalawang pangtangka na dalhin siya sa ospital.

Ngunit sa kabila ng pag-inarte ng kung sino mang nasa Room 271 ay hindi pa rin umalis ang isang ambulance ng aming 911 emergency response center dito sa Davao City. Ang Davao City lang ang tanging may 911 response system sa bansa at pangatlo lang ito sa United States at Canada na gumagamit sa nasabing response center sa buong mundo.

Alas diyes na ‘yon ng gabi nang palabas na kami ng hotel nang nakita ko pa rin ang medical staff ng 911 ambulance sa lobby ng hotel at andun pa rin sa parking area ang isang 911 ambulance.

Tinanong ko ang isang pulis na naka-assign doon para sa security ng congress kung bakit andun pa ang 911 ambulance. Sinagot ba naman ako ng --- “Ma’am ganyan talaga iyan Ma’am na pag may mga VIP tayo ay may ambulansya na nag-aabang.’’

Ano? What? Kailan ba nag-aabang ang isang 911 ambulansya sa mga national conventions gaya ng PESO congress?

At bakit inaabangan pa ng medical staff ng 911 yong nasa Room 271 hanggang 10:00 ng gabi? Ano siya sinusuwerte? Masyado naman atang hospitable ang aming 911 dito at sobrang bantay sa VIP kuno ng Room 271.

Bakit? Nagbabayad ba ng taxes dito sa Davao City ang VIP sa Room 271 at higit 10 oras mag-aabang ang ambulansya ng 911 dito para lang sa kanya?

Kung may dapat na maging VIP na dapat pagsilbihan ng 911 emergency response center dito ay ang mga Dabawenyo mismo dahil sila ang nagpapasahod sa staff ng 911.

Ilang ulit kong tinangkang kausapin ang chief ng aming 911 emergency response center dito tungkol sa ambulansiya ngunit medyo masyado siyang busy at hindi talaga niya ako kinausap kahit anong kulit ko.

Sigurado akong hindi alam ni Mayor Sara Duterte ang nangyaring pag-aabang ng 911 ambulance at ng staff nito sa isang VIP na katulad ni Room 271 noong nakaraang Miyerkules ng higit 10 oras. Kasi tiyak magagalit si Mayor sa ganung mga kaartehan ng mga pasyenteng VIP na gaya ni Room 271.

Hindi nga rin naintindihan ng ilang taong nasa hotel lobby noong gabing iyon bakit andun pa yong 911ambulansya gayong nasa kasiyahan ng PESO congress sa garden tent si Room 271.

Sana maintindihan ng mga taga 911 emergency response center dito na ang Dabawenyo ang totoong VIP at hindi ang mga abusadong bisitang VIP gaya ni Room 271.

ANG DAVAO CITY

ANO

DAVAO CITY

DITO

HOTEL

NGUNIT

ROOM

VIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with