^

PSN Opinyon

Patawad

K KA LANG? - Korina Sanchez -

HUMINGI na ng paumanhin si US ambassador to the Philippines Harry Thomas Jr. sa kanyang mga pahayag na 40 percent ng mga lalaking turista na pumupunta sa bansa ay humahanap lamang ng sex. Maraming bumatikos sa ambassador, dahil sumama na naman ang imahe ng bansa. Pinalabas niya ang pinaka-malakas na atraksyon ng Pilipinas ay hindi mga magagandang lugar, kundi mga magagandang babae! Mga “nagtatrabahong babae”, ika nga. Hinamon si Thomas na ilabas niya ang kanyang mga datos na magpapatunay sa kanyang pahayag. Wala siyang mailabas.

Malamang binase niya ang mga pahayag sa kanyang obserbasyon sa Roxas Blvd. kapag binabaybay niya ang kalsadang ito papunta at paalis ng US embassy. Wala namang record ang Kagawaran ng Turismo na nagpapakita na ang pakay ng isang turista ay makipagtalik lamang sa mga babae rito. Kaya sa dami ng batikos, pati na ang hamon sa kanya na bumitiw na sa tungkulin kung hindi rin lang mapapatunayan ang kanyang mga paha-yag, humingi na lang ng dispensa mula sa gobyerno, at sa mamamayan ng Pilipinas. Pero sa totoo lang, mali ba ang kanyang mga pahayag?

Kung sa Roxas Blvd. niya binase ang kanyang mga pahayag, baka humigit pa sa 40 percent ang kalkula niya kung napadaan pa sa Quezon Avenue! Pati na rin sa Malate, Olongapo at Angeles! Malakas din ang naging tunog ng mga tinatawag na “sex tours” noon, kung saan mga turistang Hapones naman ang tinurong pinakama-laking kliyente ng “negosyong” ito. Kaya nauso rin ang Japayuki kung saan mga babae naman ang nagtutungo sa Japan para pumasok sa industriya ng aliwan doon.

Tama lang na humingi ng paumanhin si Thomas sa bansa para sa kanyang mga mabababang pahayag ukol sa industriya ng turismo sa Pilipinas. Pero sa isang dako naman, hindi rin siya lubusang masisisi, kung nakikita nga niya, at sigurado nari­rinig din mula sa mga kuwento-kuwento, ukol sa tagong industriya ng prostitusyon sa bansa. Para sa mga opisyal ng gobyerno, partikular sa DOT, dapat gawan ng paraan na hindi nga maging totoo ang mga pahayag ni Thomas!

KANYANG

KAYA

NIYA

PAHAYAG

PERO

PHILIPPINES HARRY THOMAS JR.

PILIPINAS

QUEZON AVENUE

ROXAS BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with