^

PSN Opinyon

Masyadong mabait ang kaibigan

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

May plantasyon ng asukal/asucarera ang mag-asawang Robert at Aida sa isang probinsiya sa timog. Maraming kaibigan at kakilala si Robert. Isa rito ay si Ramon na isang negosyante sa probinsiya nila. Mula pa pagkabata ay magkaibigan na sina Robert at Ramon. Sobrang higpit ng tali ng pagkakaibigan na nagbibigkis sa kanila na halos ay magkaramay sila sa lahat pati na ang mga pinagdaanan nilang hirap at problema sa negosyo.

Minsan, nangutang ng crop loan sa banko si Ramon. Isa sa hininging kondisyones ng banko ay ang magbigay siya ng garantiya (surety performance bond). Bago naman magbigay ng garantiya ang piyansador (surety company) ay hiningan nito ng mga taong personal na magbibigay ng garantiya kay Ramon. Kaya lumapit siya sa kaibigan niyang si Robert na agad pumirma ng kasulatan (indemnity agreement) bilang patunay na ginagarantiyahan niya at pinapangakong karamay siya ni Ramon sa pagbabayad sa kompanya.  

Hindi nakabayad si Ramon sa utang niya sa banko. Hinabol ng banko ang surety company at ito naman ang humabol kay Robert. Sa paghabol kay Robert para managot sa pagkakautang ni Ramon, hinabol ng kompanya ang karapatan sa asukal (sugar quedans) ng mag-asawang Robert at Aida mula sa kanilang plantasyon. Puwede bang habulin ng kompanya ang ari-arian ng mag-asawa?

HINDI. Alinsunod sa kontrata, nang garantiyahin ni Robert na siya ang mananagot sa pagkakautang ni Ramon, hindi siya kumilos para sa ikabubuti ng conjugal partnership kundi para lang sa kabutihan ng ibang tao, si Ramon. Kahit sabihin pa na bilang asawa, sa ginawa ni Robert na pagpirma ng kontrata (indemnity agreement) ay nakadagdag ito sa pagtingin ng tao o sa reputasyon mismo ni Robert at nagkaroon ng dagdag na kumpiyansa sa kanya ang komunidad, malabong ituring na nagkaroon ng pakinabang ang conjugal partnership dito. Ang isa sa kondisyones para mahabol mo ang ari-arian ng mag-asawa ay ang patunay na nakinabang dito ang mag-asawa. Kung pananagutin ang conjugal partnership sa isang obligasyon na ang lalaki lang ang dapat managot, para na ring nagpalusot sa layunin at nilalaman ng batas kung saan sinasabi na ang pinakaimportante sa lahat ay ang kaayusan ng pamilya (Luzon Surety vs. De Garcia, 30 SCRA 111).

AIDA

ALINSUNOD

DE GARCIA

HINABOL

ISA

KAHIT

LUZON SURETY

RAMON

ROBERT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with