^

PSN Opinyon

Katarungan batay sa mas malakas

SAPOL - Jarius Bondoc -

ISA itong kuwento mula sa ancient India, kapupulutan natin ng mapait na aral tungkol sa buhay ngayon:

Nanginginain ang usa sa gubat nang humuni ang kuwago, “Haak, haak,” na sa wikang Hindu ay “sibat”, at sumagot naman ang kuliglig, “Wat,” na ibig sabihi’y “napapaligiran.” Sa takot ng usa, kumaripas ito ng takbo patawid ng sapa, kung saan naapakan niya at nabalian ng palikpik ang isda. Nagdemandahan ang isda, usa, kuwago at kuliglig, at humarap sa huwes. Lumitaw ang mga ebidensiya:

Habang tumatakbo pala ang usa sa damuhan, tu-malsik ang bato sa mata ng labuyo, na lumipad at bumundol sa bahay ng mga hantik. Sa galit naglabasan ang mga hantik at pinagkakagat ang unang mamataan, ang ahas. Sa pagtakas, gumapang ang ahas pataas sa puno at nayugyog ang bunga, na bumagsak sa ulo ng ermitanyo sa ilalim. Tinanong ni ermitanyo si ahas kung bakit siya pinukol ng prutas. “Hindi ko sinadya, nasagi ko sa pagmamadali lumayo sa mga hantik,” paliwanag ng ahas. “Bakit niyo naman siya tinutugis?” usisa ng ermitanyo sa mga hantik. “Nagulat kami, kasi may nagyugyog sa bahay namin, ‘yun pala si labuyo,” salaysay ng mga hantik. “O, ikaw labuyo, bakit mo niyugyog ang bahay nila?” patuloy ng ermitanyo. “Hindi sadya, wala akong makita dahil nakapikit sa sakit ng tama ng batong pinatalsik ng usa.” sagot nito. Inusisa ang usa, na sumagot, “hindi rin sadya, tumatakbo lang ako sa takot sa kuwago.” Nagpaliwanag din ang kuwago, “Ugali ko lang humuni nang ‘Haak, haak,’ pero nakiingay ang kuliglig.”

Nang marinig lahat ito ng huwes, hinatulan ang kulig­lig na bayaran ng danyos ang nasaktang isda. Si kulig-lig kasi ang pinaka-maliit at pinaka-mahina kumpara sa kuwago at sa “tinakot” na usa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

BAKIT

HABANG

INUSISA

LUMITAW

MAKINIG

NAGDEMANDAHAN

USA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with