^

PSN Opinyon

'Sagot ng Standard Insurance'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

KINAILANGAN pang manghimasok ng BITAG para ma­s­olusyunan ang problemang matagal na sanang natapos.

Sumbong ng nagrereklamong OFW na lumapit sa aming tanggapan, July 2010 nang ipaabot niya sa Standard Insurance sa Sta. Ana, Manila ang pagkasira ng bumper ng kanyang sasakyan.

Dahil insured dito ang sasakyan, inasikaso ito ng kompanya at ipinadala sa accredited auto shop nila sa Dasmariñas, Cavite. Pero ang problema, chop-chop na ang kanyang kotse at tanging kaha na lamang ang natira nang ito ay datnan niya.

Mahigit isang taon ding pinaikut-ikot ang biktima at kung hindi pa nanghimasok ang BITAG, hindi pa nito madidiskubre na nakatengga lang pala sa motorpool ng kompanya ang kanyang sasakyan.

Sa aking panayam sa kinatawan ng Standard Insu-rance na si 1st Vice President Elena Enfestan, itinanggi niya na accredited ng kanilang kompanya ang auto shop na pinagdalhan sa kotse ng biktima. Kung hindi naman pala accredited ang nasabing auto shop, bakit sa umpisa pa lang ay hindi ito ipinaalam ng inyong mga empleyado sa inyong kliyente?

Makailang ulit na lumapit ang nagrereklamong OFW sa Standard Insurance pero ipinagsasawalang-kibo lamang ito ng mga nakakausap na empleyado.

Ipinarating namin ito kay Ms. Enfestan, at nangako naman siyang gagawan ng paraan at aaksiyunan ang problema.

Para sa nagrereklamong OFW, babayaran na lamang nila o kung hindi man ay papalitan ang sasakyang tuluyang nasira sa kanilang pangangalaga.

Ayon kay Insurance Commissioner Emmanuel Dooc, ang ganitong kapaba-yaan ay hindi dapat na ipinagsasawalang bahala.

Dapat ay sinisiguro ng insurance compa­ny kung credible ba ang mga accredited auto shop na pinagdadal­han ng kotse ng kanilang mga kli­yente. Ang pag­papa­ayos ng sasakyan sa in­ surance company sa kasong ito ay dapat na tumagal lamang ng isang linggo at hindi na umabot pa ng isang taon.

Payo ni Commissio­ner Dooc, huwag isan­tabi ang ganitong rek­­la-mo at asikasuhin ka­­ agad ang problema ng nasabing kliyente. Ang ga­nitong mga insidente ang nakapagpapasi-ra sa ima­ he ng mga reputableng kompanya tulad ng Standard Insurance.

Babala ng BITAG sa Standard Insurance at sa iba pang insurance companies sa bansa, hindi biro ang nakaatang na responsibilidad at tiwa­lang ibinibigay ng inyong mga nagbabayad na kliyente.

At para sa mga kli-yente ng insurance com­pany, huwag manahimik at magsawalang-kibo kung may napapansing kamalian sa serbisyo nito.

AYON

INSURANCE

INSURANCE COMMISSIONER EMMANUEL DOOC

MS. ENFESTAN

SHY

STANDARD INSU

STANDARD INSURANCE

VICE PRESIDENT ELENA ENFESTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with