^

PSN Opinyon

Editoryal - 'Water Czar'

-

MAYROON nang mangangasiwa sa pagpapa-kawala ng tubig sa mga dam kapag nasa peligro nang umapaw. Kamakalawa, inihayag ni Pre-sident Noynoy Aquino na si Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary Rogelio Singson ang magsu-supervise kung magpapa-kawala ng tubig sa mga dam sa panahon na may nanalasang bagyo sa bansa. Bukod sa pagsu-supervise sa pagpapakawala ng tubig, si Singson din ang inatasan na tingnan at siguruhin na may malinis na inuming tubig ang mamamayan. Pa-wang pamamahala sa tubig ang iniatang ni P-Noy sa DPWH secretary.

Mabigat ang tungkuling iniatang ni P-Noy kay Singson at naniniwala kami na magagampanan ito nang maayos, mahusay at matalino. Hindi biro ang magpasya kung magpapakawala ng tubig. Dapat ay mapag-isipang mabuti ang mga hakbang sa pagpapakawala ng tubig. Hindi kung kailan mapupuno na ang mga dam saka lamang magpapakawala kagaya ng nangyari noong nakaraang linggo. Ang ganitong praktis ang dapat mabago sa mga nag-ooperate ng dam. Isinusuong ng mga taong nangangasiwa sa mga dam ang buhay nang maraming tao dahil sa pabigla-bigla at hindi pinag-isipang desisyon.

Ang pagpapakawala ng tubig sa Angat at Ipo Dams ang itinuturong dahilan kaya nagkaroon ng grabeng pagbaha (hanggang ngayon ay mataas pa ang tubig) sa maraming bayan sa Bulacan, Pampangat at Nueva Ecija. Marami ang nananatili sa bubong ng kanilang bahay para hindi abutin ng baha. Nagpakawala ng tubig sa dalawang dam isang araw makaraang dumaan sa bansa ang bagyong Pedring. Sa isang iglap, nilamon ng tubig ang Hagonoy, Malolos, Pulilan sa Bulacan at ang mga bayan sa Pampanga. Nagpakawala ng tubig ang mga dam habang nasa kasagsagan ng ulan. Hindi natantiya na ang pagpapakawala ng tubig ay magdudulot ng panga­nib sa mamamayan.

Ngayong si Singson na ang mamamahala sa pagpapakawala ng tubig, maaari na sigurong ma­ katulog nang mahimbing ang mamamayan. Ma­aaring hindi na babahain ang mga mabababang lugar sapagkat pagpaplanuhan at pag-iisipan nang todo. Sana ay hindi na maulit ang malaking baha sa Bulacan at Pampanga.

vuukle comment

BULACAN

DAM

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

IPO DAMS

NAGPAKAWALA

NOYNOY AQUINO

SINGSON

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with