^

PSN Opinyon

Pagtitipid ng PAL

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

DAHIL sa pagtitipid ng PAL may praning este mali taning pala ang grupo ng PALEA na up to Oct 1 this year na lamang sila sa airline company at puede na nilang kunin ang mga benipisyo sa year of service nila sa kumpanya.

Kaya naman dahil dito ay nagdesisyon mag-strike ang may 300 members ng PALEA last Tuesday na ikinagalit at ikina-buwisit ng mga PAL passenger dahil nga nakansela ang kanilang biahe patungo sa iba't ibang destination.

May ilang pasahero ang halos magwala ng dumating sa paliparan para mag-check in ng mabalitaan na 'cancelled' ang kanilang mga flights.

Bakit?

Sagot - strike ang PALE!

Alam ba ng taga-PALEA kung gaano kahirap magpunta sa airport noon Martes bukod sa bagyong si Pedring grabe as in grabe ang baha na dinaanan ng mga pobreng pasahero na hindi naranasan ng mga nasa loob ng airport noon kasagsagan ng kalakasan ng ulan.

Sabi nga, ano ba kayo?

Hindi din naman dapat sisihin ang taga - PALEA sana intindihin natin ang kanilang dinadaing dahil madlang people din sila at may mga anak na binubuhay!

Sino nga naman ang tutulong sa kanila kung mawawalan sila ng hotraba?

Kayo ba?

 Alam ninyo bang matagal ng kumober sa NAIA ang Chief Kuwago halos 26 years na pero sa  kauna-unahan pagkakataon nakita natin sa loob ng departure area ng terminal 2 ang sangkatutak na 'riot police.'

Sabi nga, 1st time in my life na may mga riot police sa loob mismo ng airport.

Nakakatakot ba?

Hindi naman.

Ano ang ginagawa nila?

Patatalsikin palabas ang mga taga - PALEA na matitigas ang ulo na ayaw lumabas ng airport dahil may ultimatum sila kasi nga dehins na sila empleado as of 2:00 pm that day.

Bakit?

Iyan ang sabi ng PAL management sa galit sa kanilang ginawa.

Ika nga, sinabotahe ang management.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Dahil sa kulitin sa pagpapaalis sa ilang taga - PALEA nagka-pikunan pa at nauwi sa fist bout. Hehehe!

Sabi ng ilang kongresista malaking kasiraan sa imahe ng Pilipinas ang ginawang strike ng mga miyembro ng Philippine Airlines Employees Association.

Bakit?

14,000 passenger ang nabuwist ng dehins sila nakaalis papunta sa kani-kanilang mga place of destination.

Ano ang nangyari?

Kamote, cancelled lahat ang flights sa NAIA terminal 2.

Sabi nga ni House Committee on Labor chairman at Northern Samar Rep. Emil Ong, dapat ay ikinonsidera rin ng PALEA ang magiging epekto ng kanilang gagawin sa mga pobreng passenger.

Sabi nga sa english ni Ong, “Palea leaders may not know it but by their action, they have given unionism in the country a bad name. Aside from the legal issues that may be raised against them, the union should have considered the fact that the strike will adversely affect the overall welfare of the country, particularly its economy.”

Wika naman ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay, dapat maging sensitibo rin ang mga unyon sa kapakanan ng libo-libong employees.

Hindi nagpatalo si Mitos at nagsalita rin sa wikang english “The timing is unfortunate.  They should know that sensitivity counts a lot.”

'ano ngayon ang mabuti?' Tanong ng kuwagong nasibak sa trabaho.

'Maghintay ng bagong trabaho'. Sagot ng kuwagong na-argabiado.

'Paano ngayon?'

Kamote, iyan ang problema mo.

Abangan.

Frank Wong, yari ka !

MUKHANG bubusisiin ang mga shipment ng isang Frank Wong, ang sinasabing isa sa bigtime smuggler ngayon sa aduana.

Hindi yata matutulog si Customs IEG chief Danny Lim para lamang makalkal ng husto ang mga entry at mga gagamitin broker ni Frank Wong.

Isa rin si Frank Wong ang sisilipin ni Commissioner Ruffy Biazon dahil nga may balitang nasagap na ginagamit ng kamote ang pangalan ng ilang personalidad sa malakanin este mali Malacañang pala para lamang matakot ang taga - bureau at makalabas ng malaya ang kanyang mga epektos.

Ngayon tiyak patay at yari ang epektos mo Mr. Frank Wong!

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

BAKIT

FRANK WONG

LEFT

PALEA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with