ISANG araw matapos ang ikalawang anibersaryo ng Ondoy muli na namang kinabahan ang mga taga-Metro Manila, Cavite, Bicol Region, Cagayan Valley, Aurora Province, Pangasinan at Ilocos Region nang hagupitin ni Pedring. Ngunit naging handa ang pamahalaan sa pagtulong kaya nabawasan ang bilang ng namatay.
Ngunit hindi lahat ay pagtulong ang nasa isipan dahil mayroon pa ring iilang kababayang mapagsamantala sa kapwa. Patuloy pa rin sa pagkalbo sa ating mga kabundukan at pagwasak ng karagatan ang ilang banyagang kompanya sa tulong ng mga tuso at ganid na politiko. Nang manalasa si Ondoy umapaw ang Marikina River kaya umabot sa 3rd floor ng mga kabahayan sa Provident Village. Maraming bahay ang nasira. Maraming namatay sa biglang pagragasa ng tubig mula sa kabundukan ng Antipolo at karatig lalawigan, dagdag pa rito ang pagpakawala ng tubig ng mga dam kaya naging mabilis ang pagtaas ng tubig.
Noong Martes, ginimbal muli ang marami ng bag-yong Pedring. Nasaksihan ko sa kauna-unahang pagkakataon ang mataas na tubig sa Roxas Boulevard na hanggang dibdib. Napilitang ilikas ng US Embassy ang kanilang mga empleyado sa takot na malunod. Nalubog din sa tubig ang Raja Sulayman gayung malayo ito sa sea wall ng Manila Bay.
Lumubog din ang Grand Boulevard hotel. Napilitang ilipat sa iba’t ibang ospital ang mga pasyente ng Ospital ng Maynila matapos mapuno ng tubig ang Emergency Room. Nasira ang mga bahagi ng seawall ng baywalk matapos hampasin nang malalaking alon.
Subalit kung malupit ang kalikasan, mas malupit ang mga nagnakaw ng mga lamp post na bumagsak sa Ro-xas Blvd. Hindi na nga nakatutulong ang mga ito namimirwisyo pa. Kaya pala ayaw magsilikas ang mga taga-Navotas at Malabon kahit dumadapa na ang kanilang mga bahay ay dahil sa pa-ngambang pagnanakawan sila. Kahit masama ang panahon nagsagawa ng protesta ang Philippine Airlines Employees Association (PALEA). Na paralisa ang ope rasyon ng Terminal 1&2. Libong pasahero ang nakaranas ng gutom at pagod dahil sa protesta.
Alam kong may karapatan silang ibulalas ang kanilang hinaing sa manage-ment, subalit dapat naman samang inuna muna nila ang pagtulong sa pamamagitan ng pagseserbisyo.
Sa palagay ko kahit na si President Noynoy Aquino ay nagngangalit ang mga ngipin sa inis. Malaking kahihiyan na naman ang ginawa ng PALEA dahil hindi lamang mga kababayan ang nakaranas ng kalupitan kung di maging ang mga turista sa ating bansa.