SASAKYAN mo ba’y nabili mong nakaw? Huwag maging kampante dahil kapag hindi ka pa kumilos, siguradong problema ang kakaharapin mo.
Ayon sa Highway Patrol Group o HPG, kasong Anti-Fencing ang kakaharapin ng isang taong may hawak na sasakyang karnap.
Posible ring masangkot sa asuntong karnaping ang sinumang matutuklasang may posesyon ng mga sasak-yang nakaw o karnap.
Ganito rin ang babala ng BITAG sa isang binatilyong nakabili ng nakaw na motor sa isang online shopping website.
Bata pa lamang daw ay pangarap na niyang magkaroon ng motor kung kaya’t nang magkatrabaho ay ito agad ang kaniyang unang ipinundar.
Ang problema, ng mag-renew siya sa Land Transportation Office o LTO ng rehistro ng kaniyang nabiling motor, sablay ang record nito.
Lumapit siya sa BITAG upang matulungang malinis ang record ng kaniyang motor. Subalit isang katotohanan ang kailangan niyang tanggapin.
Karnap o nakaw ang motor na kaniyang nabili at nararapat lamang na isauli ito sa may-ari o i-turn over sa otoridad.
Sa una, nanghihinayang at nanlulumo ang binatilyong ito. Ang ending, wala siyang magagawa kundi isuko sa otoridad ang motor o maghihimas siya ng matatabang rehas dahil sa kasong kaniyang mga kakaharapin.
Narito ang mga tips mula sa HPG upang masigurong ang inyong mga sasakyan ay hindi karnap.
Una, ipa-macro etching ang inyong sasakyang bi-bilhin lalo na kung ito ay second hand. May sis tema ang PNP-Macro Etching kung saan mabubusisi kung may problema sa record ang inyong mga sa sakyan.
Ikalawa, iwasang bumili ng mga sasakyan online kung hindi kayo pamilyar sa ganitong transaksiyon. Nagtatago ang mga dorobo sa likod ng magagandang offer sa internet.
Ikatlo, kunin ang buong impormasyon ng pinagbilhan maging ang bibilhing sasakyan. Huwag munang magbayad o maglabas ng pera hangga’t hindi niyo nasisilip ang record ng sasakyan.
Huwag lamang mag-base sa hawak na dokumento, mas makabubuting kayo ang magpa-double check sa LTO ng record ng sasakyang inyong bibilhin.
Kung sakaling nakabili kayo ng karnap ng hindi ina asahan, huwag maging oportunista. I-turn over ito sa HPG bago pa kayo maunahan ng mga otoridad at harapin ang mga kasong isasampa sa inyo.