^

PSN Opinyon

Si Mayor Tiangco at ang pangarap niyang pabahay

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAKUHA rin sa taga este mali tiyaga pala ni Navotas Mayor John Reynald M. Tiangco, na malambing ang  Sangguniang Panglunsod  para aprubahan ang panukalang budget at ma-itayo next year ang 2 units medium-rise building para tirhan ng mga pamilyang biktma  ng ‘fire’ sa Barangay San Roque, Navotas City, last January 2011.

May 240 nasunugan pamilya ang matutuwa dahil mabibiyayaan sila  ng ipagagawang ‘ bahay pangarap’ ni John Rey na walang ginawa kundi ilagay sa maayos ang mga mahihirap na madlang people na sakop ng kanyang territory.

Sa ilalim ng Supplemental Budget, Blg. 05 S. 2011,  naipasa last August matapos aprubahan ang P125 million funding para sa 'bahay pangarap' ni yorme.

Masinsinan ang naging pulong para utuin este mali pag-usapan pala ng DepEd at ni Mayor Tiangco na ipaubaya na lamang sa Navotas City ang may 3,100 square meter na lupain ng San Roque Elementary School para sa mismong lugar na ito ititirik ang ‘bahay pangarap’ ni yorme  para sa mga nasunugan pamilya last January 2011.

Kaya sa puntong ito hindi lang si Mayor Tiangco ang natawa este mali natuwa pala kundi pati ang  madlang  people ng Navotas City.

Sabi nga, mabuhay ka, Mayor!

Bida ni John Rey sa mga kuwago ng ORA MISMO, next year umpisa na ang paggawa sa ‘bahay pangarap’ niyang project.

Sabi ni yorme, layunin niya na mabigyan ng maayos na matitirhan ang mga nasunugan niyang kababayan, mahubog ang kanilang disiplina at pagiging responsable sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa isang community na bubuuin dito.

Ayon kay Mayor Tiangco, kapag natirhan na ito ng mga biktima ng ‘fire’ ay mahigpit na ipagbabawal ang pag-redisenyo sa mga housing units, pag-alaga ng hayop, pagtanggap ng bisita na tatagal sa housing ng one week ng walang permit from the barangay captain o administrator at ang higit na ayaw ni John Rey, bawal ang mag-sugal o anumang bisyo sa nasabing place echetra.

Maganda kasi ang itatayong ‘bahay pangarap’ parang pang ‘rich’ ang dating.

Iba ang gusto ni Mayor Tiangco sa ‘bahay pangarap’ niya dahil hindi tulad ng ibang pabahay ng national go­vernment, ang housing units ay maaari  lamang i-award sa isang pamilya sa loob ng 25 years upang ipaalam sa kanila ang kahalagahan ng pag-unlad at pagsisimula o pagbubuo ng kanilang sariling tahanan o pamilya.

Busy si Mayor Tiangco sa kakaisip sa mga proyektong kapaki-pakinabang sa mga taga- Navotas City hindi tulad ng mga gago dyan na walang ginawa kundi ang mang-urot at sirain ang magandang programa na gustong ipatupad ni John Rey.

Sabi nga, iniintriga!

Abangan.

Biazon at Frank Wong

AYON sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan ipabusisi ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang isang Frank Wong at dapat sa trusted soldiers niya sa bureau ito ipakapa dahil kung hindi iluluwag ito at dehins ituturo na maayos.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Frank Wong, kasi ang tirador sa bureau dahil sinasabing napakatindi nito sa paggamit ng mga pangalan ng opisyal sa Malacañang para takutin ang mga taga - aduana at makalabas ang kanyang mga shipment na katiting lamang ang binabayaran buwis.

Kapos ang kolum ng Chief Kuwago.’

Abangan.

ABANGAN

FRANK WONG

JOHN REY

LSQUO

MAYOR TIANGCO

NAVOTAS CITY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with