^

PSN Opinyon

Maingay na naman si Nepomuceno!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

TUMATAGINTING na P5 milyon pala ang pondo ng kontraktor bilang panlangis sa mga pulitiko sa Marikina City kada taunang proyektong Tiangge sa Ilog ng siyudad. Ang tiangge, ay itinatayo sa pampang ng Marikina River at ang kontraktor ay naglalangis hindi lang sa mayor kundi maging sa konsehales at kapitan ng barangay para wala nang sagabal sa takbo nito. Kadalasan, magbubukas ang tiangge sa tuwing huling linggo ng Setyembre at aabutin na ito ng lampas Pasko. Sinabi ni Konsehal Elmer Nepomuceno na ang mga konsehal ay tumanggap ng tig-P100,000 kapag pumirma sila sa kontrata para ayunan ang operation ng tiangge. At ang mga barangay chairmen naman ay tig-P50,000 ang tinatanggap. Hindi naman lahat ng konsehal ay tumanggap ng “langis” sa kontraktor. Sila ay sina Nepomuceno, Carissa Carlos, Ronnie Acuna, Boggs Reyes at Jojo Ortiz. Mga taga-Marikina tandaan ang mga pangalan ng mga konsehal n’yo na hindi corrupt at suportahan sila sa susunod na election.

Sinabi ni Nepomuceno na ang acting city administrator at chairman ng isang committee ng City Council ang nagpamudmod ng pitsa sa mga konsehal at barangay chairmen noong nakaraang taon. Ang masama, may hawak na sworn affidavit ng isang kontraktor si Nepomuceno at handa siyang ihain ito sa Office of the Ombudsman. ‘Ika nga, maghahain si Nepomuceno ng kasong criminal at administratibo sa lahat ng binanggit ng kontraktor. Kasama na sa hawak ni konsehal ang mga resibo sa pagbigay ng libreng bakasyon sa Subic sa barangay chairmen.

Nasa warpath na naman si Nepomuceno na hindi umuurong ang bayag sa pakikipagtuos niya sa katiwalian sa liderato ni Mayor Del de Guzman.

Kung sabagay, hinahalungkat din ni Nepomuceno ang iba pang katiwalian sa Marikina hindi lang patungkol sa tiangge kasama na ang sakayan sa ilog. Kasama na rin ang pag-railroad ng mga resolution sa Konseho para bigyan ng awtoridad si De Guzman para pumasok sa mga kontrata na disadvantageous naman sa city government. Kabilang na riyan ang kontrata ng Prime Global at Marikina Hotel, ang road infrastructure, construction and repairs at ang memorandum of agreement sa Mercury Drug kung saan ang pinirmahang kontrata ay me ma­raming blankong linya.

Sinabi naman ng espiya ko na sa taon na ito, ang tiangge­ ay ilalagay sa gilid ng munisipyo sa pangambang kapag bumagyo ay umapaw ang Marikina river. Hindi ko lang alam kung saan naman mamumugad ang mga peryahan na palaging nasa paligid ng tiangge. Ayon sa aking­ espiya, isang alyas Roy na taga-Provident Village ang nakakuha ng lahat na puwesto ng peryahan sa Mari­kina sa taon na ito at kasama na rito ang sa Bgy. Parang na magbubukas na. Di ba Bong Bungal Sir? Abangan! 

vuukle comment

BOGGS REYES

BONG BUNGAL SIR

CARISSA CARLOS

CITY COUNCIL

DE GUZMAN

JOJO ORTIZ

KASAMA

NEPOMUCENO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with