^

PSN Opinyon

Mga kahina-hinalang pagkamatay ng OFWs

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAILANGANG busisiin nang husto ang mga “kahina-hinala at nakalulunos na pagkamatay” nang maraming overseas Filipino workers (OFWs). Ito ang idineklara ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.

Isa sa naturang mga kaso ay ang pagkamatay ni Joy Pampangan, 25-anyos. Siya ay iniuwing bangkay mula sa Jordan at nakasuot lang ng adult diaper. Mayroon siyang tatlong death certificates na nagsasaad ng magkakaibang petsa ng kanyang kamatayan – Hunyo 21, Hunyo 22 at Hulyo 22, 2010.

Ang isa pang ganitong kaso ay ang pagkamatay naman ni Romilyn Ibanez dahil daw sa “acid burning” sa Saudi Arabia. Inabot ng isang taon bago naiuwi sa Pilipinas ang bangkay ni Romilyn at kahina-hinala ang pagiging “mutilated and burned” nito.

Iniulat ng grupong Migrante na “15 mysterious and tragic­ OFW deaths” ang kanilang naitala hanggang Peb­rero 2011, kung saan umano ay mga babae ang karaniwang biktima, at ang mga ito ay hindi pa nareresolba.

Nagpahayag si Jinggoy ng taimtim na pakikiramay sa mga naulila ng naturang mga OFW, kasabay ng kanyang paggigiit na kailangang alamin mula sa mga opisyal ng kaukulang mga Philippine embassy at overseas labor offices kung ano ang ginagawa nilang aksiyon sa mga usaping ito.

Dagdag niya, “The recent amendment to the Migrant Workers’ Act under Republic Act 10022 provides that the State through its official missions abroad must assess the overall working con­ditions in receiving countries of our migrant workers, and no OFW should be deployed to countries with unfavorable and unjust employment­ conditions... This refers not only to absence­ of wars or uprising, but also to the existence of social and labor laws as well as positive, concrete actions undertaken by the host countries in pro­tecting the rights of migrant workers.­”

DAGDAG

HUNYO

JOY PAMPANGAN

MIGRANT WORKERS

REPUBLIC ACT

ROMILYN IBANEZ

SAUDI ARABIA

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with