^

PSN Opinyon

Si Senator Villar ang basurahan

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGGAGALAITI sa buwisit ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO. dahil sa sinasabing bantot ng amoy ng basurahan dyan sa ilang bahagi ng Moonwalk at Multinational Village, Parañaque  City.

Sabi nga, ang hoba!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, project daw ito ni Senator Manny Villar ang sinasabing dumpsite.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Gusto lang ipaabot ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang sinasabing proyekto ni Manny kung totoong siya ang nagpagawa nito dahil nga grabe as in terrible ang amoy ng basura.

Sabi nga, affected ang health ng madlang people todits.

Sana ipagiba ito!

Abangan.

Si Gen.  Danny Lim at Frank Wong

TIYAK dehins pa umaalingawngaw sa tenga ni deputy Customs Commissioner for IEG Danny Lim, ang name ni Frank Wong, ang sinasabing notorious smuggler dyan sa aduana.

Pangalan ng mga prominieteng tao sa government of the Republic of the Philippines my Philippines ang kadalasang isinasangkalan ni Frank Wong sa bureau para hindi masa­ling o maharang ang kanyang mga epektos kapag lumalabas sa pier.

Ito ngayon ang kailangan makalkal ni General Lim alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang intel networking ng heneral kaya sa lalo’t madaling panahon ay masusungkit niya ang shipment nito.

Kailangan din malagay sa talaan ng BIR ang pangalan ni Frank Wong para mabusisi kung magkano ang buwis na ibinabayad niya sa gobierno dahil hindi small time ang tsekwang ito.

Hindi lulubayan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang operasyon ni Frank Wong sa aduana.

Abangan.

Banggaan ng Palasyo at Judiciary

SA middle ng nababalitang banggaan ng malakinin este mali Malacañang pala at Judiciary lagyan na lamang ng provision ang 2012 National Budget para dehin magamit ng mga agencies ng government of the Republic of the Philippines my Philippines sa  ibang bagay ang pampasahod sa kanilang mga vacant position.

Kaya naman nagpoprotesta si Navotas Rep. Toby Tiangco ang  pagsasama sa ‘appropriation’ na naka­laan para sa hudikatura na kinabibilangan ng Su­preme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan at iba pang hukuman, Commission on Audit, Comelec, Civil Service Commission at ng Office of the Ombudsman sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) sa ilalim ng 2012 General Appropriations Act (GAA) dahil sa pag­labag umano sa 1987 Philippine Constitution.

Ang mga offices na ito ay may fiscal autonomy na malinaw na nakasaad sa Section 3 Article VIII, Section 5 Article IX at Section 14 Article XI, ng 1987 Philippine Constitution.

Sabi ni Tiangco, the provisions are in very simple and clear English, the grant of fiscal autonomy to these agencies is to ensure their independence from the Executive Department.”

Nananawagan si Tiangco, sa mga kasamahang kongresista na huwag itong payagan.

Kaugnay nito, umapela si Rep. Tiangco sa kaniyang mga kasamahang mambabatas sa Kongreso  na huwag itong pahintu­lutan.

Ipinaliwanag ni Tiangco sa mga kuwago ng ORAMISMO, ang DBM ang may gustong ilagay sa Miscellaneous Personnel Benefit Fund regarding sa funding ng sahod ng mga bakanteng posisyon sa iba’t ibang ahensya.

Matuloy kaya ang usaping ito?

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

CIVIL SERVICE COMMISSION

COURT OF APPEALS

DANNY LIM

FRANK WONG

PHILIPPINE CONSTITUTION

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

SABI

TIANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with