KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, ay bumabati sa mga mamamayan ng Tarlac sa pagkakaroon nila ng modernong Eye Center — ang Tarlac Eye Center, na may state-of-the-art eye care medical services and optical equipment, ay isa na naman umanong naisakatuparang “dream project” ni Gov. Vic Yap. Sinabi ni Yap na magpo-provide ang naturang center ng de-kalidad na eye care service sa mga residente, laluna sa mga “indigent patient.”
Sinaksihan kamakailan ng mga residente ng Tarlac ang pormal na pagbubukas ng eye center. Ang aktibidad ay pinangunahan mismo ni Governor Yap, kasama sina DOH Assistant Secretary Eric Tayag; Second District Rep. Susan Yap; DOH Region III Director Rio Magpantay; Kit Cojuangco (na kumatawan kay first district Rep. Enrique Cojuangco); Tarlac Provincial Hospital head Dr. Ricardo Ramos at mga doktor at staff ng TPH.
Ang center ay nasa TPH extension building at direktang pinangangasiwaan ng team ng mga kinikilalang espesyalista sa iba’t ibang “fields of ophthalmology,” sa pangunguna ni Dr. Shelly Anne Mangahas bilang officer-in-charge.
Ayon sa lokal na pamahalaan, “The center offers the latest diagnostic and therapeutic services for people with eye problems and has an eye treatment facility with the finest and the best medical team and to cope with a rapidly growing eye problems in the province.” Saklaw ng PhilHealth ang mga magiging serbisyo ng center para sa mga pasyente nito.
Ang Eye Center ay bahagi umano ng kabuuang serbisyong pangkalusugan na ipinupursige ng Tarlac provincial government para sa mga mamamayan.
* * *
Birthday greetings kay Nueva Ecija Rep. Josie Joson (September 25).