^

PSN Opinyon

Biazon vs. Media

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

KINILITI ni newly appointed Customs Commissioner Ruffy Biazon ang media sa aduana mukhang may malalim siyang impormasyon sa mga ito dahil binalaan na huwag silang makikialam sa operasyon sa bureau.

Sa madaling salita, huwag pumatong.

Naku ha!

Ano ba ito?

Kung may media na alam si Ruffy na tumitira o nakikipag-sabwatan sa mga smuggler dito sana pangalanan niya para naman hindi madamay lahat.

Hindi mo kalaban ang media, Ruffy iyan ang magiging kakampi mo balang araw na magbibigay sa iyo ng mga 'reliable information' sa nangyayari sa paligid mo.

Sabi nga, maraming 'santo' sa bureau na nagtatago sa kapa ni 'satanas' . Hehehe!

Ingatan mo rin ang nakapaligid sa iyo dahil sila rin ang maglalaglag sa iyo balang araw marami.

Kambiyo issue, ipapatawag ni Ruffy si  dating Subic Customs Collector  Marietta Zamoranos upang magbigay linaw sa sinasabing 'missing' na 172 luxury cars dyan daw sa Subic Freeport, Zambales.

Sana nga, magkalinawan!

Hindi lang dapat si Zamoranos ang ipatawag ni Ruffy kundi ang mga dating naging hepe ng Customs police at CIIS sa nasabing lugar para magkaalaman kung totoo may nawawala at kung mayroon man malaman agad ni Biazon ang gagawin sa kanila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinakakalkal ni Ruffy ang inventory ng LTO sa mga luxury imported vehicle na ang plate number ay dating 'blue plate' at ngayon ay 'green plate' na.

Isa sa pinabubusisi ni Ruffy ay mula pa noon panahon ni dating Customs Commissioner Boy Morales, ang sinasabing close-friend ni FG.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ni Ruffy, madaling makita ang mga nawawalang sasakyan kung makukuha agad ang imbentaryo ng LTO mula sa nasabing plaka papunta sa bagong kulay ng plaka ng tsikot.

 Kapag natuklasan ang mga ito tiyak makikita rin kung magkano o hindi nabayaran ang buwis ng mga sasakyan pinag-uusapan.

Sabi pa ni Ruffy, gusto rin niyang ipa-lifestyle check ang mga taga-bureau.

Sana Ruffy hindi mo sinabi agad paano ngayon alam na nila ito eh tiyak 'diversion' of assets ito. Hehehe!

Hindi din dapat pabayaan ni Ruffy at maging si dating General Danny Lim, na ngayon ay deputy Commissioner for Intelligence and Enforcement ng bureau ang kontro­bersyal na 2,000 transhipment cargoes.

Naghihintay ang madlang people sa Philippines my Philippines kung sinu-sino ang nagsabwatan dito para naman maparusahan ang mga kamote.

Kailangan din ipakalkal ni Lim ang shipment ng sinasabing alyas Frank Wong para malaman lang kung ayos ang ibinabayad niya at kung anong klaseng shipment ang ipinapasok nito sa Philippines my Philippines.

May pasabi si Frank na hindi naman siya broker kundi isang ahente na namomorsiento sa mga container na ipinapasok niya aboard este mali abroad pala.

Basta ang importante si General Lim na ang bahala kay Frank Wong.

Abangan.

Si Rep. Winnie Castelo, naman

NAGSAING este mali naghain pala ng isang resolusyon si Rep. Winnie para ipagbawal ang 'planking' o paghiga sa kalye ng mga nagpo-protesta.

Ano ba ito Rep. Castelo ang daming dapat asikasuhin maging batas dyan sa Kamara tulad ng FOI bakit ito pa ang napili mo? Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ang batas na inihain ni Rep. Castelo sa Kamara ay para mabigyan ng solution ang kanilang mga problema kung bakit naghihiga ang mga raliyista sa kalye tiyak marami pa ang matutuwa sa kanya.

Sabi nga, suggestion lang iyon, Your Honor. Hehehe!

vuukle comment

FRANK WONG

HEHEHE

KUNG

LEFT

RUFFY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with