^

PSN Opinyon

Gobyerno kikita ba sa broadband?

SAPOL - Jarius Bondoc -

TILA sin focado ang pagtatalo ng mga pinuno ng gobyerno tungkol sa planong government broadband network. Nalululong sila sa halaga at kakayahan ng gobyerno magpatakbo ng gan’ung sustema. Pero ang talagang isyu ay kung merong magaganansiya ang gobyerno doon.

Binubuhay ni Science and Technology Sec. Mario Montejo ang kontrobersiyal na national broadband network, pero para sa gobyerno lang. Aniya hindi ito magkakahalaga ng P17 bilyon tulad ng pakana ng ZTE Corp. nu’ng 2007, kung saan P10 bilyon ay “tong-pats”. Halos P800 milyon lang daw ang magagasta. ito’y dahil sasakay lang ang network sa kable ng kuryente ng Napocor, imbes na WiMAX ng ZTE. Makakatipid umano ang gobyerno ng P1.2 bilyon taon-taon, mula sa P2-bilyong pag-upa ng telecommunications at Internet services.

Banat naman ni Sen. Joker Arroyo, malulugi lang ang gobyerno sa pagpapatakbo ng GBN. Nangyari na raw ito noon. Lumagapak ang government telephone service, government satellite system, at municipal telephone network dahil sa kapalpakan ng pamamahala. Mabuti na raw na patuloy na umupa ang gobyerno ng pribadong serbisyo.

Pero kung kikita ang gobyerno sa GBN — hindi lang basta makaka-tipid — dapat lang ipatupad ito. At kikita ito kung gawing pangunahing pakay ng gobyerno ang pagsingil ng buwis. Maraming negosyante ang lumulusot sa pagbabayad ng buwis dahil dala-dalawa ang libro ng kita: isang tunay kung saan limpak-limpak ang tubo, at isang peke at puro lugi ang operasyon na siyang ipinapakita sa BIR. Kung may GBN na nakakabit sa kanilang cash registers at sales offices, agad masisilip at makukubra ng gobyerno ang buwis. Mas magastos itayo ang gan’ung sistema, pero daan-daang bilyon ang ipapasok na koleksiyon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ANIYA

BINUBUHAY

GOBYERNO

JOKER ARROYO

KUNG

LANG

LUMAGAPAK

MARIO MONTEJO

PERO

SCIENCE AND TECHNOLOGY SEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with